Nakuryente sa sampayan ng damit
Misis, Patay; 2 Naospital

PATAY ANG isang misis matapos makuryente sa Brgy. Sum-ag, Bacolod City.

Sinasabi na nagsasampay ng nilabhang mga damit ang biktimang si Desiree Palawan, 30, at residente ng Barangay Sum-ag ngunit hindi nito nalaman na may linya ng kuryente sa itaas ng kanilang bahay na papunta sa kanilang kapit-bahay.

Dahil basa ang kamay ng biktima, ito ay nakuryente.

Tinangka itong tulungan ng pamangkin na si Joevy Grace Gonzales, 18, ngunit ito ay nakuryente rin.

Maging ang kanilang kapit-bahay na buntis na si Roselyn Casas ay tumulong na rin ngunit dumaloy rin ang kuryente sa kanyang katawan.

Naisugod pa sa ospital si Palawan ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, out-patient naman sina Gonzales at Casas matapos magamot sa Western Visayas Regional Hospital at masuwerteng hindi naapektuhan ang ipinagbubuntis ni Casas.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nag-ground ang open wire nang ito ay nabasa matapos magkaroon ng crack ang linya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.