Nakunsensya sa Pagpatay sa Madrasta Stepson, Sumuko sa Pulis

DAHIL SA MATINDING kunsensya sa ginawa nitong karumal-dumal na pagpatay sa kanyang stepmom sa pamamagitan ng saksak, kusang-loob na sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director Fernando H. Mendez, Jr., knilala ang suspek na si Benjamin Halili Y Mesina, 37 anyos, residente ng Brgy. Calumpang, Calumpit, Bulacan; habang ang biktiman ay nakilalang si Loida Enguillo Y Manio, 58, residente ng Brgy. Iba sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11 ng tanghali nang maganap ang pananaksak sa biktima habang nasa loob ng kanilang tahanan, kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.