Nakunsensiya sa Panghahalay sa Anak; Kelot, Nagbigti sa Selda

PINANINIWALAANG NAKONSENSYA kaya nagdesisyong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang 37-anyos na ama na nakulong dahil sa panghahalay sa kanyang anak na babae kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Dolores, Quezon.

Ayon kay PO2 Raymund Tan Ramos, katatapos lamang ng seminar sa mga residente nang matuklasang nakabitin sa window grill ng selda si Alfredo Patulot ng Barangay Sta Lucia.

Lumilitaw na nakulong si Patulot noong Linggo dahil sa reklamo ng kanyang asawa matapos nitong gawan ng kahalayan ang anak noong Sabado sa loob ng kanilang tahanan.

Subalit kinakitaan ng pagkabalisa si Patulot habang nakapiit, kung saan sinasabing inusig ng bud-hi sa ginawa sa kanyang anak kaya naisipang magpatiwakal. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.