Nakiusyoso sa Nakawan
Mag-ama, Grabe sa Boga ng Akyat-Bahay

INOOBSERBAHAN SA ospital ang isang mag-ama matapos itong barilin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng akyat-bahay gang sa Sitio Cacawan, Brgy. Tagkip, Dagami, Leyte.

Ayon kay S/Insp. Allan Novales, hepe ng Dagami Municipal Police Station, pinasok umano ng tatlong magnanakaw ang pamamahay ng mag-asawang sina Virgilio at Judith Escapatoria at sapilitang tinangay ang p30,000 ng mag-asawa.

Nagpaputok pa umano ang mga salarin, dahilan upang dumu-ngaw ang mag-ama sa bahay ng mag-asawang Escapatoria ngunit sa kasamaang palad ay sila ang binaril ng mga magnanakaw gamit ang handmade shotgun.

Nagtamo ng tama sa dibdib ang 17-anyos na binatilyo habang tinamaan naman sa tiyan ang tatay nitong si Orsulo Fernandez, 47.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga kinauukulan  ang hindi pa nakikilalang mga suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.