Nakita daw na magka-date sila ni Mikael Daez… Sey ni Erich Gonzales – “Sino ‘Yun?

MATIGAS SA PAGTANGGI si Erich Gonzales na hindi niya kilala ang baguhang model/actor na si Mikael Daez. Ito ay dahil sa mga naglalabasang tsismis na namataan daw sila na magkasama ni Mikael sa isang mall at magka-date na ayon na rin sa inilabas na litrato ng fashionpulis.com na magkahawak-kamay ang isang babae’t lalaki habang paakyat ng escalator. ‘Sino ‘yun?’ Ang tahasang nasabi ng Kapamilya star. Hindi pa raw niya nami-meet ang aktor at hindi daw niya talaga ito kilala. Iginiit din ni Erich na hindi rin daw siya nagpupunta sa mall na may kasamang lalaki, pero sinabi ng batang aktres na handa naman siyang ma-in love, huh! Hmmm… sino naman kaya ang masuwerteng lalaking ito na handang mahalin ng ating bida? Teka, tanong lang namin kay Erich, hindi ba talaga niya knowing si Papa Mikael na napanood sa teleseryeng Amaya ng GMA-7? Isplukan na!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Nakita daw na magka-date sila ni Mikael Daez… Sey ni Erich Gonzales – “Sino ‘Yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.