Nakipagtalo si Misis, Minartilyo ni Mister

KALABOSO SI mister makaraang ireklamo ng anim na buwang buntis na misis dahil sa pamamalo ng martilyo at paninipa sa kanya bunsod lamang ng hindi pagkakaunawaan sa Brgy. Aba-ngan Norte, Marilao, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Roberto Secaluya Y Sasi, 35 anyos, tubong-Iloilo City, at residente sa nabanggit na barangay. Samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Jenny, 29 anyos, 6 na buwang buntis, at asawa ng suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang pananakit ng suspek dakong alas-6 ng hapon sa loob ng kanilang tahanan.

Nabatid na nag-ugat ang pamamalo ng martilyo sa asawa, makaraan ang mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilanan, kung saan inupakan ng suntok at sipa ang asawang buntis sa harap ng 10 taong gulang nitong anak na babae. Hindi pa ito nasiyahan at hinataw pa ng martilyo ang misis.

Labis naman ang naging takot ng batang anak ng suspek, dahil sa pananakit nito sa kanyang ina, na umano’y nasa impluwensya ng alak ang ama nang maganap ang pananakit.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 (a) ng Republic Act 9262.

 (TONY DELA PEÑA)   

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.