Nakipagsuntukan sa Constituents; Brgy. Captain, Binugbog

HINDI NAGSISISI ang isang kapitan ng isang barangay sa Legazpi City sa ginawang nitong pakikipagsuntukan sa kanyang constituents kamakailan.

Ito ang sinabi ni Kapitan Joel Balinis na hanggang ngayon ay namamaga pa ang mga kamay at mukha dahil sa nangyaring insidente.

Aniya, kinailangan niyang lumaban para depensahan ang sarili at para mabigyan na rin ng leksyon ang mga salarin na kinilalang sina JP Adornado, Jhun Adornado at isang alyas “Bongkoy”.

Sinabi ni Balinis, na nagkataon na wala siyang kasamang mga tanod nang respondehan ang muling pag-iskandalo at pamamato ng bote ng mga salarin sa kanilang basketball court.

Inihayag nito na sana’y gagawin niyang pag-awat ay nauwi sa suntukan matapos na manlaban ang magkakapamilya at simulan siyang paulanan ng suntok.

Mabuti na lamang at makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga nagrespondeng barangay tanod at pulis at nadakip ang nambugbog sa kanya.

Samantala, walang planong palampasin ng naturang opisyal ang ginawa ng tatlo kung saan nakahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.