Nakipaglamay, pinaglamayan

MATAPOS NA MAKIPAGLAMAY, pinaglalamayan naman ngayon ang 39-anyos na lalaki matapos na barilin ng isa pang lalaking sakay ng motorsiklo noong Linggo gabi sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina City chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez, ang biktima na si Mario Mayuno, may asawa, residente ng # 2 Camia St., Brgy. Malanday ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng kanyang get-away motorcycle patungo sa gawi ng kabayanan dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi sa lamayan malapit sa bahay ng biktima sa Sitio Minahan, Brgy. Malanday, Marikina City.

Nabatid na nakikipaglaro umano ng cara y cruz ang biktima sa iba pang nakikipaglamay nang biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Hinala ng pulisya, onsehan sa droga ang dahilan ng pamamaslang.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.