Nakipaglamay pa sa Pinatay Kelot, Timbog dahil sa CCTV

INARESTO NG mga awtoridad ang isang lalaki na sinasabing pumatay sa kanyang kapitbahay nang makita ito at makilala sa closed circuit television (CCTV) camera habang ang una ay nakikipaglamay sa kanyang pinaslang na kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Mac-Mac Viola, 25, ng Block 1 Alley, Barangay Longos, ng nasabing lungsod.

Si Viola ay inaresto ng mga barangay officials sa pangunguna ni Brgy. Chairman Ernie dela Cruz habang nakikipaglamay sa burol ng kanyang pinatay na kapitbahay na si Fredie “Boy” Taraya, 21.

Base sa ulat ng pulisya, si Viola ay nakunan sa CCTV camera nang barilin nito si Taraya sa kahabaan ng Lapu-Lapu Ave. noong nakalipas na Nobyembre 21, 2011.

Sa isinagawang im-bestigasyon ni SP01 Edcel dela Cruz, may hawak ng kaso, lumalabas na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang barilin ng una ang biktima gamit ang isang  kalibre .38 na tinamaan sa mukha na tumagos sa ulo.

Nabatid na habang muling pinanonood ng mga barangay official  ang CCTV, kanilang namukhaan ang suspek na siyang bumaril at nakapatay sa huli. Kaagad namang inaresto ang suspek na nakikipaglamay pa sa kanyang binaril na kalugar.   (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.