Nakipagkita sa Boracay Sam Milby, Pinopormahan si Marie Digby?!

NAKAKALOKA ANG TSISMIS sa mga bagets ngayon. Parang ang dali-daling magpalit ng boyfriend ng young celebrities natin.

After JC Tiuseco na hindi naman niya inamin, sinasabing si Dominic Roco naman daw ngayon ang boyfriend ni Maxene Magalona. Nagkadebelopan daw ang dalawa dahil sa madalas nilang paggimik. Magbarkada sina Dominic, Felix Roco, Alwyn Uytingco, Alcris Galura at JM de Guzman. Madalas daw na nakakasama nila ang grupo ni Maxene na Ampalaya Anonymous. Si Alcris ay kapatid ni Glaiza de Castro na member naman ng Ampalaya Anonymous.

Ayun, sa kagigimik nila together, may namuo raw relasyon kina Maxene at Dominic.

Alam naman ng lahat na naging magdyowa sina Maxene at JC, hindi nga lamang sila umamin noon. Alam mong may something sa kanila dahil matindi yata ang galit ni Maxene nang maghiwalay sila. Ayaw makasama ng dalaga sa kahit na anumang project si JC.

Ang isa pang sinasabing magdyowa na ngayon ay sina Alwyn at Jennica Garcia. Madalas din daw na nakakasama si Jen sa lakad ng barkada ni Alwyn.

Medyo matagal na ring hiwalay si Alwyn kay Princess Ryan na naging dyowa niya for more than two years.

Anyway, nalaman naming grabe raw palang magmahal itong si Jennica. Para ipakitang love na love niya ang binata, talagang sumugod pa raw ito sa Nueva Ecija para bisitahin lamang si Alwyn. Ganoon niya ka-love ang binata. At dahil naroon na, nagbabad na lang siya sa shooting ng aktor.

INAMIN NI SAM Milby na nagkita nga sila ni Marie Digby sa Boracay.

“Oo, nagkita kami, one day lang,” sabi ng binata na parang ayaw na matanong tungkol kay Marie.

“I met up with her. She happen to be here and we are friends. She’s in Japan and she came here for a vacation,” esplika ng Fil-Am singer-actor.

Pero ang hindi niya inamin ay ang tsikang dyowa na niya si Marie.

“People are speculating na siya ang girlfriend ko. Hindi. We’re not together,” diretso niyang denial.

ITINANGGI NI JOPAY Paguia na pera ang dahilan kaya siya lumayas sa Sex Bomb na pinamamahalaan ni Joy Cancio.

“Hindi naman po kasi. Hindi po. In fairness naman kay Ate Joy, mabait naman siya. Kung kaya niyang ibigay, gagawin niya pati trabaho. Talagang ilulusong niya kami kahit saan. In fairness sa kanya, sobrang bait n’ya. Marami na kasi kami ngayon. Kaya ako talaga umalis, gusto ko talagang mag-business. Tapos ten years na rin po ako. Gusto ko talaga na ‘yung acting ko,” esplika ni Jopay.

“Hindi po. Kasi, siyempre, ito po ang company ni Ate Joy, magkakapatid kami rito, kumbaga, hindi lang kami guest lang. Ito naman talaga ‘yung bahay namin. ‘Yung question about sa sahod namin, naibibigay naman po. Late lang po. Siguro matagal po siya pero ibinibigay naman ni Ate Joy.

“’Yung kay Ate Joy naman kasi, may iba pa kaming show sa kanya, ‘di ba? ‘Yun talaga. Pero ‘yung sa teleserye namin, alam naman po namin na hindi agad ibibigay ‘yon. Walang question para sa amin ‘yon.”

Anyway, tuloy na tuloy ang Search for the Newest Sex Bomb Dancer. Kung feel ninyong mag-try ng inyong luck, puwede kayong magwagi ng half a million peso.

The search is open to 15 to 18 years of age na babae. Magdala lang ng birth certificate, ID, close up photo at whole body. Kung ikaw ay underage, isama lamang ang iyong magulang. May audition tomorrow, June 1, sa SM Pampanga, June 18 and June 22 sa SM Bacoor, June 27 and 29 sa SM Tarlac.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Nakipagkita sa Boracay Sam Milby, Pinopormahan si Marie Digby?!

  1. may nadetect yung bitdefender ko na trojan and isa pang klaseng virus. linisin nyo ung site nyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.