Nakipagbarilan sa mga parak, kawatan tiklo

SAN JOSE DEL Monte City – Arestado ang isang lalaki na wanted sa dalawang kaso ng pagnanakaw sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon matapos ang ilang minutong habulan at palitan ng putok ng baril sa pagitan ng suspek at ng mga tauhan ng Provincial Public Safety Company.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt.Fitz Macariola kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt, Fernando H. Mendez Jr., kinilala ang nadakip na suspek na Daniel Villamor Y Andosada, 26-anyos, residente ng Paradise 1, Brgy. Tungkong Mangga.

Base sa imbestigasyon ni Supt. Macariola, dakong alas-3 ng hapon nang makasagupa, ng kanyang nga tauhan mula sa 4th Maneuver Platoon ang suspek na lulan ng motorsiklo na walang plaka na umano’y hindi tumigil sa checkpoint.

Nabatid na nakipagbarilan ang suspek sa mga humahabol na pulis, kung saan agad na tinamaan ng dalawang beses ang suspek, dahilan upang isugod ito sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.

Ayon naman kay P/Supt. Boy Hernandez, may pending warrant of arrest ang suspek na nasa sala ni 3rd Judicial Court Judge Aznar Lindayag sa kasong Robbery. Nakum-piska rin mula sa suspek ang isang  cal.38 na baril at bala.

Kaugnay nito detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail.  (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.