Nakikisabay sa pagiging fashionista ni Heart?
Sen. Chiz Escudero, mukhang trying hard at nagmumurang kamatis!

MUKHANG ‘DI nakaapekto kay Sen. Chiz Escudero ang away sa pagitan nila ng mga magulang nila ng kasintahang si Heart Evangelista, dahil heto’t nasa pangatlong puwesto siya sa resulta ng katatapos na eleksyon.

Usap-usapan nga lang ngayon ang kumakalat na larawan niya sa facebook, kung saan bagets na bagets sa porma niyang fitted shorts, shirt at nakatsinelas pagkatapos niyang bomoto. Marami lang ang hindi nabagayan dahil alam naman ng lahat na hindi na bata si Sen. Chiz.

Mukha raw yatang nakikisabay sa pagiging fashionista ng girlfriend, pero mukhang trying hard naman at nagmumurang kamatis daw ang dating ni Sen. Chiz.

Sana raw ay may magsabi rito na hindi bagay sa kanya ang ganitong porma lalo’t may mataas siyang katungkulan sa gobyerno.

 

NAGING ISSUE ang naging personal na opinyon ni Vice Ganda sa nakaraang presscon ng I-Vice Ganda Mo Ako Sa Araneta, kung saan nasabi nito na may ilang pumapasok sa pulitika at tumatakbo sa mataas na posisyon kahit walang political background, tulad na lamang ni Nancy Binay. Nag-trend ito sa social networks, tulad ng facebook at twitter, kung saan tumanggap ito ng iba’t ibang reaksyon.

Ngayong nasa top 5 sa katatapos na eleksyon ang tumakbong senador at ipoproklama sa darating na Hulyo, binati ni Vice ang lahat ng nanalo kabilang na nga si Nancy.

Sa rehersal ng nalalapit na concert ni Vice, agad naming hiningan ng reaksyon ang komedyante sa naging gesture niya na batiin ang bagong senadora. Ipinaliwanag naman agad ng komedyante na tapos na ang eleksyon, itapon na kung anuman ang kapaitan at dapat tanggapin at irespeto na lang ng bawat isa ang ibinoto ng tao. Klinaro din niya na wala siyang anumang personal na galit o sama ng loob kay Nancy, at kung anuman ang nasabi niya noon ay personal na opinyon niya.

Bago dumating ang eleksyon ay may ilang mga pultiiko ang nag-guest din sa Gandang Gabi Vice. Naikuwento sa amin ni Vice na may staff siya na nagtanong kung puwede bang i-guest si Nancy sa GGV na agad naman niyang sinagot na okay lang sa kanya dahil wala naman silang personal na away o problema ng nanalong senadora.

Naipit si Kris Aquino sa kasagsagan ng isyu, kung saan hindi nagbigay ng komento ang TV host/actress nang tanungin ito tungkol dito. Ayon kay Vice, tumawag agad ang kaibigan sa kanya pagkatapos ng presscon, kung saan inasahan nga niya na maaring magalit sa kanya si Kris. Pero nang pag-usapan nila ang tungkol dito, nagsabi sa kanya ang kabigan na walang problema dahil hindi naman pikon ang mga Binay at sanay na rin ito sa mundo ng pulitika na bahagi na ang pambabatikos mula sa ibang tao.

Masayang binalita sa amin na sold out na ang tickets ng kanyang nalalapit na concert dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpadagdag na sila ng SRO tickets pero ubos na rin ito ngayon. Sagsag sa rehearsal ng kanyang opening number dahil binago ito, dapat ay manggagaling siya sa general admission, pero ‘di pumayag ang Araneta dahil sa dami ng mga tao na manonood at baka magkagulo, kung kaya’t naghanap ng ibang lugar kung saan siya manggagaling.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

13 thoughts on “Nakikisabay sa pagiging fashionista ni Heart?
Sen. Chiz Escudero, mukhang trying hard at nagmumurang kamatis!

  1. patawarin ka ng Diyos Sen,Chiz…ha ha ha ano ba yan ?kaninong idea yan at ipapupulis natin …ha ha ha

  2. Ang oOA nmn ng mga comment d2 un ang gusto nyang isuot alangan nmn n nka tuxedo p xa mas msgwa binagay lng nya s venue ng pinuntahan nya pti pananamit eh pkiaalm nyo pg nmn mgarbo ssbhin nyo n madaming nagugutom s pinas pra pumorma at ipakita p s madlang pipol ang mamahaling kasuotan…heller andming nyong angal s buhay bat dkya kyo pakamatay nlng..!

  3. Sus Maryuseph, kala ko si Ate Gay.. hahaha.. sa susunod po senator baka naman pd iangkop mo pananamit mo sa antas mo sa lipunan.. kasi mukha ka d2 echuserang frajility.. hahaha!

  4. for Chiz — ok lang yan… dyan ka comfortable..- ISUOT MO..

    for vice fren na advice .. D naman pikon ang BINAY….. hoy Wag na ninyo lokohin ang mga tao….. ang isang statement  makaka epecto yun  sa boto ng isang tao…. election time yun… at that is not a JOKE….. kaya wakang sanayan dun!!!! ENG ENG 

  5. Kahit nao pang paninira ang sabihin niyo, na sa top 3 pa rin si Chiz.. Kaya mamatay kayo sa inggit. Aw!

  6. HAHAHAHA. NASOBRAHAN YATA ANG PAGKA-CASUAL NG SUOT NITONG SI CHEEZE CURLS NI HEART. WELL, 2 LANG YAN. UNA, BAKA NAIMPLUWENSYAHAN NANG HUSTO NI HEART AT ALAM NYO NA, 2 DEKADA ANG AGWAT NILA, SO FEELING BATA NA ANG LOLO NYO. SECOND, BAKA NAMAN GUSTONG IPAKITA NI CHEEZE NA DAPAT SIMPLE LANG ANG SUOT NYA KASI NGA, MAJORITY NG MGA NAKIKIPAGSIKSIKAN JAN SA MGA PRECINCTS EH MGA MARALITA. BAKA NGA NAMAN MAALANGAN SIYA. DEVAH?

  7. Heart,,,,, pls lang tigilan mo na yang si Chiz na kinaliwa ng asawa… madadamay ka lang sa problema nyan.

  8. Hahahhahahahha mukhang engot lang c Senador. Mukha ngang trying hard. No ba yan nakakawala ng respeto ha, wag mo na ulit gagawin yan Senator Chiz, hindi bagay syo at nakakairitang tignan. Fav pa nmn kita, pero nung makita ko picture sa taas, sus ginoo, naimbiyerna ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.