Nakikipag-break na kasi Bebot, Tinangkang Dukutin ng BF

NAKALIGTAS SA tangkang pagdukot mula sa kanyang nobyo ang isang 26-anyos na dalaga sa Iznart St., Iloilo City.

Nakilala ang nobyo na si James Bontillo na sapilitang dumukot sa kanyang kasintahan na nakilala lamang sa alyas na “Aila”.

Ayon sa police report ng biktima, nakikipagkalas na umano si “Aila” sa kanyang nobyo ngunit hindi ito pumayag na maaaring naging dahilan ng pagdukot sa kanya nito.

Sapilitang isinakay umano siya sa van mula sa kanyang pinagtatrabahuan at doon sinaktan. Nakahingi ng tulong ang biktima sa ina ng dati nitong nobyo at doon nakatakas.

Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang naturang suspek.

(PARAZZI RTEPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.