NAKIALAM SA DRUG PROBLEM, IBINAON

KARUMAL DUMAL NA kamatayan ang sinapit ng isang ginang na nagtangkang makialam sa isyu ng droga sa kanilang lugar matapos na tadtarin ng saksak at ibinaon sa gilid ng ilog sa Marikina City.

Ang biktima na basag ang bungo at tadtad ng saksak ay nakilala sa pangalang Maria Lauresca alyas, “Fatima” at “Susan”, residente ng Singkamas St., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang mahukay ang bangkay sa Marikina riverbanks sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Nabatid na isang tawag mula sa isang taong boses babae na ayaw magpakilala ang nagbigay ng impormasyon sa Marikina PNP kaugnay ng krimen.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hanggang sa matukoy ang graveyard kung saan nahukay ang naaagnas na bangkay sa halos tatlong talampakan lamang ang lalim.

Ang bangkay na nakasuot ng green na short at green na damit ay may mga palatandaan na dumanas ng matinding pahirap bago pa man ito pinatay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang biktima nang magreklamo ito sa tanggapan ng Brgy. Tumana kaugnay ng mga kalalakihan na humahanting sa kanya dahil sa transaksiyon ng iligal na droga sa kanilang lugar.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.