Naki-Birthday Party, Dedo sa Kalsada

NAUDLOT ANG kasiyahan ng isang katatapos lang magdiwang ng kaarawan makaraang masawi sa aksidente ang tatlo nitong bisita habang patuloy na inoobserbahan ang isa pa nang bumangga ang sinasakyang kotse sa poste ng telepono sa Barangay Rawis, Legazpi City, Albay.

Ayon kay Supt. Oscar Regala, hepe ng Legazpi City Police, naganap ang trahedya dakong alas-11 ng gabi noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Voltaire Salcedo, 30-anyos; Andrew Salcedo 18-anyos; at Johnny Borromeo, 17-anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Bicol Regional Hosptial ang sugatang si Nico Paje,17-anyos.

Galing umano sa isang birthday party ang mga biktima bago maaksidente.

Lasing na lasing umano ang mga ito at mabilis ang pagpapatakbo, dahilan para mawalan ng kontrol at sumalpok sa poste.

Halos dalawang oras na naipit ang mga biktima sa wasak na wasak na Ford Link Sedan na may plakang WPY 941, bago tulu-

yang maalis ng mga rescuer.

Naisugod pa sa ospital ang mga ito ngunit idineklara na ring patay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.