Nakatulog pagkatapos ng sex Belgian, ninakawan ng pick-up girl

NILIMAS NG ISANG pick-up girl ang pera at mahahalagang gamit ng isang Belgian national nang makatulog ito matapos umanong makipagtalik sa suspek sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Naghihinagpis nang magtu-ngo sa police station para magreklamo si Joel Warmant, 45, book writer, binata, pansamatalang nanunuluyan sa Vista Verde, Angeles City.

Sa reklamo ni Warmant, bandang alas-6:45 ng gabi, pumasok sila ng isang nagngangalang Kyle Cruz sa Astrotel Motel na matatagpuan sa Samson Road, corner Pio Valenzuela St.,a Caloocan City.

Nakatulog umano ang biktima matapos na makipag-sex sa suspek at nang magising dakong alas-12:45 umaga, wala na sa tabi nito ang babae  na kanyang nakasiping.

Laking gulat din ng Warmant nang madiskubre nito na wala na ang kanyang laptop na nagkakahalaga ng P120,000, broad band internet, cellphone at pera sa wallet na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang pamunuan na ng motel ang nagbigay ng pera sa biktima para makauwi ito sa Pampanga.

Kasong qualified theft ang kinakaharap ni Kyle Cruz na pinaniniwalaang hindi ito ang tunay na pangalan. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.