Nakatalo ang ka-live-in; Bebot, Nagbigti

TODAS ANG isang bebot matapos magbigti makaraang makipagtalo sa ka-live-in sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang makita ang biktimang si Katrina Bernadette Baguisa, 25 ng Sabalo St., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-7 ng gabi nang makitang na-kabigti ng tela ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kapatid ng ka-live-in na si Ronaldo Galacio.

Bago ang insidente ay nagtatalo sa hindi pa batid na kadahilanan ang biktima at ang ka-live-in na si Romeo hanggang sa makitang nakabigti ang bebot.

Inaalam na ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.