Nakatali ang mga kamay at paa Binatilyong itinapon sa ilog, nakaligtas

ISANG 14-ANYOS NA “batang-gala” ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan nang talian ang magkabilang kamay at paa bago itinapon sa ilog ng tatlong suspek, matapos languyin ang ilog na pinagtapunan sa kanya sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Umaalingasaw pa ang mabahong amoy sanhi ng maruming tubig sa ilog nang magtungo sa police station ang biktima na itinago sa pa-ngalang “Roger,” upang magharap ng reklamo.

Ayon sa biktima, bandang alas-3 ng hapon, hinuli siya ng tatlong hindi nakikilalang suspek sa C-4 Bridge na matatagpuan sa C-4 Road, Barangay Bagumbayan North, Navotas City, matapos siyang mapagkamalang magnanakaw.

Itinali ng mga suspek ang kanyang mga paa at kamay at itinapon siya sa ilog sa Barangay Bagumbayan.

Sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin, nakalag ni “Roger” ang tali sa kamay at buong husay na nilangoy ang ilog saka dumiretso sa istasyon ng pulisya.

Kaagad na nagres-ponde ang mga tauhan ni P/ Sr. Supt. Florendo Quebuyen, hepe ng Navotas Police, sa lugar kung saan hinuli ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek na nakilalang sina Orlando Calexto, 21; Angelo Bonifacio, 23; at Leandro Dizon, 34, kapwa mga residente ng C-4 Road, Bagumbayan, North Navotas City.

Mga kasong frustrated murder in relation to RA 7610 ang kinakaharap na asunto ng tatlong naaresto.       (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.