Nakatakas na Preso sa Navotas, Nadakip sa Aklan

BALIK SA kulungan ang isang preso matapos na tumakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Navotas City noong Oktubre 11, 2011.

Base sa report ng mga awtoridad, naaresto si Narciso Desipolo, Jr. 27-anyos at residente ng Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng BJMP-Aklan at New Washington PNP sa kanyang hide-out sa Poblacion, New Washington, Aklan.

Napag-alaman na ang salarin ay nakapag-asawa sa nabanggit na lugar.

Ayon naman kay SPO1 Cipriano ng New Washington PNP, mistulang nawalan na umano ng pag-asa ang suspek dahil hindi maaaring piyansahan ang kinakaharap nitong kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

Nabatid na una nang nahuli ang salarin dahil sa pagtutulak umano ng iligal na droga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.