Nakasipa sa swimming pool, kelot pinagsasaksak

KRITIKAL ANG BINATILYO matapos pagsasaksakin ng nasipa sa paglangoy sa swimming pool sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi dalawang saksak sa katawan si Jerwin Pengson, 17, ng Bustamante St., Tinajeros ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Patrick Ramos ng Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi, lumalangoy sa swimming pool sa Dads Water Paradise sa Tinajeros ng lungsod ang biktima at aksidenteng nasipa ang suspek.

Humingi ng paumanhin ang biktima subalit umahon ang suspek at nang magbalik ay walang salitang pinagsasaksak si Pengson.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Nakasipa sa swimming pool, kelot pinagsasaksak

Leave a Reply

Your email address will not be published.