Nakasama sa show ang kumanta ng Gwiyomi
Teejay Marquez, na-starstruck sa Korean singer na si Hari

NA-STARSTRUCK ANG Tween star na si Teejay Marquez nang makasama sa show ang Korean star na si Hari na kumanta ng hit song na “Gwiyomi”. Hindi raw inakala nito inaakala na makakaharap nang personal ang Korean singer.

Naganap ang pagsasama sa show ni Teejay at Hari sa Marquee Mall, Pampanga last Sept. 7, 2013, kung saan nagkaroon ng mall tour si Hari para i-promote ang kanyang album ng kinapapalooban ng “Gwiyomi”.

Kuwento pa ni Teejay, “Na-starstruck ako sa kanya. Kasi ang ganda niya at mabait siya, lagi siyang nakangiti. Kinabahan nga ako kasi hindi naman ako marunong mag-Korean, hindi ko alam kung papano ko siya kakausapin. Hahaha!

“Kaya nang makaharap ko na siya, ngitian nang ngitian lang kami. Hahaha! Natutuwa talaga ako, kasi sa dami ng nag-Gwiyomi na artista, napili nila ako para makasama sa show ni Hari.

“Isang malaking karangalan talaga na makasama, makatrabaho at maging part ng mall show ni Hari. Alam naman natin kung gaano kasikat sa buong mundo ang Gwiyomi, kaya happy talaga ako and proud.”

 

ANG AWARD-WINNING Tween star na si Kristoffer Martin naman daw ang pinagbabalingan at nakatatanggap ng pamba-bash mula sa mga tagahanga nina Elmo at Julie Ann, katulad ng nangyari kina Ruru Madrid at Alden Richards na nang ma-link kay Julie Anne ay inulan ng masasakit na salita mula sa fans ng Julielmo.

Ayaw na lang daw pansinin ni Kristoffer ang pamba-bash ng fans ng Julielmo dahil trabaho lang naman daw ang pagsasamahan nila ni Julie Ann at network naman daw ang nagbigay sa kanya ng trabaho.

Kaya naman daw wala siyang karapatang tumanggi. Kaya naman daw nagpapasalamat siya sa GMA sa pagbibigay sa kanya ng bagong trabaho after ng Kakambal ni Eliana at para makapareha si Julie Ann.

 

HINDI NA talaga maitatago ang sobra-sobrang kasikatan ng ABS-CBN’s gem na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo  dahil kahit sa Thailand ay kilalang-kilala ang lead stars Kapamilya newest soap na Got To Believe.

Sa ginawa nga naming survey nang magbakasyon kami ng apat na araw sa Bangkok, Thailand, ilang kababayan natin na matagal nang naninirahan doon ang tinanong namin kung sino among teen stars sa Pilipinas ang kilala at gusto nila. Marami nga ang bumoto sa dalawa, habang nagulat kami dahil ‘di nila kilala ang ibang teen stars na sikat sa Pilipinas.

Ilan pa sa Pinoy stars na kilala sa Thailand ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Enrique Gil, Erich Gonzales, Kim Chiu, Xian Lim, Gerald Anderson, Piolo Pascual, atbp. na karamihan ay Kapamilya Stars dahil lagi raw silang nanonod sa TFC ng mga show ng ABS-CBN.

Pero marami ang mga kababayan natin doon ang big fan ng Kathniel kaya naman daw gusto nilang mag-show sina Kathryn at Daniel  sa Thailand nang makita nila nang personal ang dalawa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Nakasama sa show ang kumanta ng Gwiyomi
Teejay Marquez, na-starstruck sa Korean singer na si Hari

  1. ANO BA ITONG MGA KOREANO’T KOREANA. ANO BANG NAKIKITA NATING MGA PINOY SA MGA ITECH AT TLGANG NAGBABAYAD PA NG MAHAL PARA SA CONCERT NILA. TINITILIAN TLG. PERO LOOK NYO MGA FEZ NILA. IISA LANG – SIOPAO O PLATO. HAHAHAHA. DEVAH? MAS MAGAGANDA’T GWAPO PA ANG MGA ARTISTANG PINOY. DEVAH NAMAN?

Leave a Reply

Your email address will not be published.