Nakasalisi sa airport May Sayad, Nakasakay Pa ng Eroplano

PINANINIWALAANG ISANG adik ang binatilyong unang iniulat na may problema sa pag-iisip na nakasalisi sa Iloilo airport at nakapasok sa eroplano ng Zest Air na walang tiket sa nasabing lalawigan.                                                                                                                      Una rito, nagtaka ang personnel ng eroplano na u-mabot sa 132 ang kanilang pasahero sa halip na 131 lang sana.

Dahil dito, bago magtake-off patungong Metro Manila, hiniling ang mga pasahero na itaas ang kani-lang mga tiket at natuklasan na ang 16-ayos na binatilyo na residente ng Sara, Iloilo ang nakaupo sa seat number F19 na walang dalang tiket o boarding pass.

Ang naturang binatilyo ay ipinakuha sa mga kasapi ng Police Center for Aviation Security at narekober sa possession nito ang dalawang bote ng rugby.

Pinaniniwalaang tumalon sa pader papasok sa nasabing paliparan ang may sayad na binatilyo dahil hindi ito nakitang dumaan sa departure area ng naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.