Nakasagutan ang biyenan Mister, patay sa pagtalon sa footbridge

WINAKASAN NG ISANG mister ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa footbridge nang damdamin nito ng husto ang ginawang pagbintang ng kanyang biyenan na nagbenta ng kanilang gamit sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkabasag ng bungo at pagkabali ng buto sa katawan ang biktimang si Robert Relayo, 37, residente ng Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 9:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa footbridge na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, Bagong Barrio, ng nasabing lungsod.

Nabatid, unang nakasagutan ng biktima ang kanyang biyenan nang pagbintangan ng huli ang una na nagbenta ng nawawala nilang digital camera.

Dahil dito, labis na dinamdam ng biktima ang sinabi ng kanyang biyenan kung saan ay magdamag itong nag-lasing at dahil nasa abroad ang asawa nito ay lalo lamang nakadama ng pagka-praning si Relayo.

Nagtungo ito sa footbridge sa Bagong Barrio at bigla na lamang tumayo sa railing at nagsisigaw hanggang sa tumalon, dahilan ng pagkamatay nito.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.