Nakasabit pa sa puno Kelot, Natagpuang Patay sa Parañaque

NATAGPUANG PATAY ang isang lalaki na nakasabit pa sa isang puno sa south service road, San Dionisio, Parañaque City.

Kasalukuyang inaalam ng mga kinauukulan kung nagpatiwakal ba ang biktima, na nakasuot ng puting polo na may blue na stripes, faded gray na slacks at itim na leather shoes.

Tinatayang nasa 40 hanggang 45-anyos ang edad ng hinihinalang Indian.

Samantala, hindi pa rin matukoy ng kapulisan ang pagkakakilanlan nito dahil walang nakuhang identification mula sa bangkay.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing labi habang dinala na rin ito sa punerarya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.