Nakarma raw si Amalia Fuentes
Annabelle Rama, abot hanggang langit ang ngiti?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximun authority of chikka.

Ano ba ‘yan?! Hindi ako makapaniwala sa nangyari kay Amalia Fuentes. Sa tinagal-tagal niya sa industry, nga-yon lang siya nagkaroon ng ganyang kaso. At matagal na rin siyang nagpapaupa ng bahay, ngayon lang siya naka-encounter na muntik na siyang patayin, pati ang kanyang anak.

Habang ginagawa ko ang kolum ko, nag-chat sa akin si Chito Alcid na kasalukuyang nasa St. Luke’s Medical Center, QC. Andu’n ang mga TV  network at news reporters. Kinumusta siya ng kanyang angkang Muhlach. Ang da-ming kaibigang dumalaw. Andu’n ang mga Montenegro. Dumating si Daisy Romualdez. X-ray, CTscan, medico legal, at magdedemanda sila ng attempted murder.

Ang daming tama ni Amalia at ang anak niyang si Gerick. Nationwide manhunt daw para sa mag-asawang Peter Tan at Rosemarie Licup. Hindi raw si Amalia ang nag-start ng gulo. Talagang notorious daw ang mag-asawang ito at bastos. Sila na ang nagpatalbog ng tseke, sila pa ang nang-iinis.

Maraming paupahan si Amalia, pero never niyang ikinukuwento ang mga problemang nae-encounter niya. Pribado niya ‘yun. Lumalaban lang nang maayos si Amalia. Dahil mayroon talagang mga taong makakaharap mo na mapagsamantala at walang-hiya.

Saan kaya hahantong ang usaping ito? Alam kong hanggang langit ang ngiti ng kaaway niyang si Annabelle Rama, kasi may nabasa ako sa tweet na ‘buti nga, karma na ni Amalia ‘yan’.

OMG! Sa kanya kaya mangyari ang gano’n? Wala na talagang kaluluwa ang babaeng ito, kaya tuloy nakapag-iisip ako nang hindi maganda sa kanya. Iba naman ang away nila sa nangyari kay Amalia at sa nangungupahan sa kanyang bahay. In fairness, walang kinalaman si Annabelle, talagang we sometimes encounter evil people tulad ng tenants ni Amalia.

Amalia is not trouble-maker. Kahit sino naman sa atin, marami talaga ang nae-encounter na mga walang-hiyang nilalang. P25k rental a month sa isang unit, tseke tumalbog. Pati electric bill na P42k, hindi bayad. Tapos sila pa ang nagsisigaw at nanaksak ng payong at tumutok ng baril sa anak niya. Kaya nga nagkaupakan sina Gerick at Peter Tan. Tapos ‘yung mahaderang Rosemarie, inupakan si Amalia, tinusuk-tusok ng payong sa likod at ibang parte ng katawan. May baril ang lalaki at nagtataka si Gerick kung bakit ayaw silang payagang makapasok sa bahay. Ano ang nangyari roon sa loob at puro CCTV camera? Naka-monitor kung sino ang darating sa gate nila?

Ito lang ang masasabi ko, kung walang kasalan ang mag-asawa, bakit sila nagtatago? Say mo?!

 

AY, NAKU! Puro na lang bayolente ang mga nangyayari ngayon sa mga artista. Dito na lang tayo sa medyo may relevance na tsika.

Kasi nga naman sa London, sa Pinoy Radio UK, kung saan tumutugtog ang song ni DK Valdez, almost 2 weeks lang na nasa playlist, naging most requested song na agad at biglang pumasok sa top 20 hits ang kanyang ni-revive na awitin ni Marco Sison na My Love Will See You Through. Talagang bongga ang pagka-revive ni DK nito.

Congrats din nga pala! Kasi sa nalalapit na PMPC Star Awards for Music, isa si DK Valdez sa nominee bilang New Male Recording Artist of the Year. Kasi ang kanyang album na DK Valdez ay nanguna sa sales ng iba’t ibang records bar sa Manila, kahit hindi masyadong natutugtog sa mga FM station. Dito mo talaga mapatutunayan na talagang ‘pag maganda ang mga songs mo, talagang hahanap-hanapin.

At speaking of DK, napag-alaman kong kahit busy siya sa mga show sa Europe ay gagawa siya ng paraan na makauwi sa awards nigth, manalo man o matalo. Okay lang sa kanya, at least na-recognize ang kanyang first album ng PMPC.

To DK Valdez, more power and congratulations! Bonggacious!

At siyempre, lagi n’yo po kaming pa-kinggan dahil may program na po ako sa Pinoy Radio UK, 6-8pm, Manila time, 11am-1pm London time, with Baby Mike. Bonggacious, ‘di ba?!

Chikkahan na tayo! Of course, para sa may mga cellphone, puwedeng mag-download ng application, free download po ito. I-type n’yo lang po ang PINOY RADIO UK.

Makinig na po kayo, dahil pang-international na rin ang beauty ko. Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

22 thoughts on “Nakarma raw si Amalia Fuentes
Annabelle Rama, abot hanggang langit ang ngiti?!

  1. Ito si tita swarding obvious na obvious nabayaran ni amalia kung purihin at ipagtanggol nia …BIAS na repoerter itong si tita swarding kaloka.

    • Korek!obvious na nabayaran!
      Eh pano maipapaliwanag yung video na nirelease nung tenant na si amalia ang nanghagampas ng payong hanggang sa makagutay-gutay yung payong?
      Eh yung video na anak nyang baboy ang sumusugod ng madaling araw sa paupahan nilang bahay at nagwawala?
      Ay naku swarding!
      Aminin mo!magkano binayad sayo?!
      Hahaha!
      Pera-pera labanan!

  2. madlang people kahit ganyan si tita anavel successful naman siya as manager, tas may anak pa siyang maganda kagaya ni Ms. World Ruffa Gutierez sa mga haters to Gutierez family mamatay nalang kayo sa inggit or ma dead lang kayo lahat kasi hindi kayo uurungan ni tita anabel na matapang at walang inuurangang laban… can u stop comparing to Elizabeth Taylor kahit isang kusing walang wlanng pagka elizabeth taylor na yang laos na butanding balyenang matanda.. hahahahaha… 

  3. To Annabelle, hindi karma ang nangyari kay Amalia. She could be an instrument to stop these Tans and Licups from doing something illegal. Baka may prostitution ring o nagtitinda ng drugs ang mga tenants kaya ayaw papasukin si Amalia. Ang dami pa raw CCTV kamera according to TV Patrol at may baril pa ang bodyguard nila. Nagtatago na ngayon ang mga tenants. Kaya si Annabelle, tumahimik na lang. Lalung lumalaki ang sungay niya.

  4. Alam kong pangit din ang ugali ni Amalia pero in public at pelikula di sya ng pakita ng p…. at s… Kaya hanggang ngayon as an artista ginagalang sya at besides she was our Elizabeth Taylor! At noong natapos na ang kanyang career, nagnegosyo sya at tignan nyo na lang ang kanyang buhay – marangya at maasenso. Ikaw, Annabelle, anong ipagmamalaki mo? Mga anak mo na disgrasyada? bading? Wala!

  5. Wala akong masasabi dito kay Annabelle – ito ang babaing walang kwenta at dapat di pinagsasayangan ng oras. Tignan mo ang nangyari kay Eddie G. pinakasalan nya itong bombera kaya ano ang buhay niya? Channel 2, 7 and 5 at iba pa, pwede ba huwag nyo nang kunin ang Ruffa na yan – laos na at disgrasyada yan. Iniwan yan ng kanyang asawa pero ano ang nagawa ni matapang na madir? Wala kasi may inferior complex yan sa dayuhan baka Englisan sya at di sya makasagot.

  6. @ glenda: yong mga magkakampi: Lucyfirmen, at tatlong walang career na mga butanding…. hahahahahaha

  7. HOW COULD THIS WRITER BE SO SURE OF AMALIA’S SAD EXPERIENCE IN THAT INCIDENT. JUST TO SYMPHATIZE SO THAT HE CAN PICK ON ANNABEL. ANOTHER WRITER WHO DOES NOT DESERVE TO BE. KNOWING AMALIA THAT WOMAN IS A BITCH.

  8. MGA KAMPON NG EVIL SINA AMALIA FUNTES AT ANNABELLE DRAMA. WALANG GINAWA KUNDI MAGTIRAHAN HAHA! KUNG AKO SA INYO MANAHIMIK NA LANG KAYO DAIG NYO PA MGA SIKAT NA ARTISTA KUNG UMASTA. SI ANNABELLE HINDI NAMAN ARTISTA YAN EH PILIT LANG NIYA SINISIKSAIK ANG SARILI NIYA SA SHOBIZ. SI AMALIA LAOS NA YAN HAHA!

  9. infairness ha natutuwa ngayon si Anavil Rama sa nangyari ni 
    Amalia Fuentes… ang lesson sana huwag masyadong mag mataas dapat mpagkumbaba ka ayan nakakita ka na ng katapat mo… hahahaha

  10. to foul: sige, tawa lang ‘day. don’t forget ‘day, “she who laughs last laughs the best”. mark my word ‘day.

  11. IPAGDASAL NA LANG NINYO ANG PAMILYA GUTIEREZ.SA MGA GANYANG MATITIGAS NA ANG PUSO DASAL NA ANG KAILANGAN NG PAMILYA NA IYAN PARA MATIGIL. PLEASE CHANNEL 2 ,PARTICULARLY ..THE BUZZ… HUWAG PO NINYO KUNIN SI RUFFA.

  12. Naku Swarsatanas parepareho lang kayo ni Rama ,Fuentes,Nadia Fermin,wala kaluluwa,mas masahol ka payata Swarsatanas,sa kanilang lahat,mukahang bangkay

      • mga ulol, foul says and c villa says hindi mo kilala si swarding pakilala ka muna para malaman mo kung sino sya masama ang mag husga, sana kunin na kayo ni satanas mga demonyo kasi kayo ha ha ha ha ha

Leave a Reply

Your email address will not be published.