Nakaresib ng bastos na text, nanunog

NAGING MITSA ng sunog ang text message ng isang lalaki sa kanyang live-in partner sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Kasong arson ang inihahanda sa dalagang si Maybel Magaro, 30 anyos, ng Poblacion 2, Pagudpud makaraang silaban ang bahay ng kanyang kinakasamang si Arnold Ranggasan, 29 anyos, tricycle driver. Naganap ang insidente alas-6 ng gabi kamakalawa sa naturang lugar.

Sa reklamo ni Ranggasan sa Pagudpud PNP,  nakita niya ang pagtapon ni Magaro ng may sinding

posporo sa bubungan ng kanilang bahay dahilan ng pagkatupok nito. Dahil gawa lamang sa pawid ang kahoy ang bahay mabilis na naabo ito.

Inamin ni Ranggasan na nakatanggap ang suspek ng text message na puno ng kalaswaan na naging dahilan ng kanilang matin-ding pag-aaway. Subalit hindi aniya akalain na tototohanin ang bantang panununog sa kanilang tirahan.

Nang magliyab ang bahay ay tumakas si Magaro na pinaniniwalaang nagtatago sa kaniyang mga kamag-anak.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.