Nakarecover na sa mga pinagdaanan… Katrina Halili, tao na muli at hindi na raw bato!

KONTRABIDA NA NAMAN ang peg ni Katrina Halili sa bagong primetime serye ng GMA-7 na Munting Heredera. Happy at excited ang sexy actress sa muling pagkakaroon ng trabaho sa bakuran ng Siyete at sa ginanap na presscon ng nasabing serye eh, kapansin-pansin ang pagiging kakaiba na ni Katrina. Kung dati-rati ay napakatahimik at tila ‘di makabasag pinggan kapag kinakausap ng press eh, kitang-kita na ang pagiging relaxed ng hitad, huh! Malaki na raw ang ipinagbago niya dahil na rin sa mga pinagdaanan

na experience sa buhay gaya ng kontrobersiyang idinulot ng sex-video scandal nila ni Hayden Kho.

Mukhang naka-move on na nga ang lola n’yo, kasi ayon sa kanya eh, hindi na raw siya bato at tao na siya. Ano raw? Anong ibig niyang sabihin d’un? Hmmm… matagal daw siyang nanahimik, ‘di nagsalita at nakipag-usap sa ibang tao na parang bato. Three years din daw ang itinagal na nagkukulong lang sa kotse niya kapag may taping. Gan’un? Emotera si ateh? Chos! Kaya ngayon ay bagong Katrina na ang inyong mapapanood sa TV, kaya welcome back to the real world, ‘day! At sana maging human ka na for life… he-he!

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Nakarecover na sa mga pinagdaanan… Katrina Halili, tao na muli at hindi na raw bato!

  1. Pingback: Cry Me A River: ‘CSI’ Star Says Justin Bieber Was A Brat On Set… He Calls Her Comments “Lame” | NewS ChapteR | Daily News

  2. ang hirap talagang makareciver kung pinagdaanan mo ang isang iskandalosong sex video di ba? mahirap talagang magmove on kung nakita ng sambayanan ang lahat lahat sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published.