Nakaratay sa sakit na Alzheimer
Bella Flores, dagsa ang natatanggap na tulong

NAKATUTUWA NAMAN dahil ang daming nagbibigay ng suporta kay Bella Flores na nakaratay ngayon sa Alzheimer’s Disease.

Magmula nu’ng lumabas sa Startalk ang interview kay Bella, ginawa na ng Wish Ko Lang at naglabasan na sa ibang TV news.

Muling nakausap ng Startalk ang anak ni Bella na si Ruby Arcilla, at hindi nga niya napigilang maiyak dahil medyo lumalala na ang sakit nito.

Nasa bahay lang nila ito, pero baka ipasok na raw niya ng hospital para malaman na kung ano na talaga ang kalagayan.

Ang inaalala lang daw ni Ruby ay baka hindi na raw makayanan ng ina niya ang gamot kaya pinag-iisipan pa niya ito.

Medyo gumaan lang daw ang pakiramdam niya dahil sa dami ng mga taga-showbiz na all-out ang suporta sa beteranang aktres.

Ilan nga raw sa naunang nagbigay ng tulong ay si Mr. Ben Chan ng Bench, sumunod sina Boots Anson-Roa, Caridad Sanchez at ilan pa niyang kasabayan sa showbiz.

Tumawag na rin daw sa kanya si Sen. Bong Revilla na gusto nitong magparating ng tulong.

Medyo matagal kasi ‘yan dahil hindi natin alam kung puwede pang gumaling o lalo pang lumala ang pagka-Alzheimer ni Bella.

Sana may magagawa pa, dahil ‘yun talaga ang panalangin ng buong pamilya na gumaling ito.

Ang isa pang hiling ng anak ni Bella na si Ruby, sana makapagtrabaho raw siya para meron silang pantustos sa pagpapagamot sa kanyang ina.

Pati nga ang anak niya na galing din Amerika ay naghahanap din ng mapagtatrabahuhan. Kaya sana raw matulungan sila.

Sa totoo lang, kamukhang-kamukha ni Ruby ang Mommy niya kaya puwede siyang mag-artista at ituloy ang pagkakontrabida ng aktres.

Tulungan na lang natin sa pagdarasal na gumaling si Bella.

 

NATUWA NAMAN ako kay Mark Anthony Fernandez dahil okay naman ang itsura niya nu’ng nagkita kami sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Ang dami ko kasing naririnig na hindi magandang kuwento tungkol sa kanya kaya gustung-gusto ko siyang makita at makausap. Matagal kasi siyang nawala, pagkatapos niyang mag-soap sa GMA 7.

Sabi naman ni Mark, pagkatapos niyang gawin ang Makapiling Kang Muli, mga tatlong buwan daw siyang nagpahinga. Nag-gym siya at nagpaganda ng katawan.

Wala naman daw silang problema ng asawa niya at maayos naman daw ang buhay niya. Kaya hindi na lang niya pinapansin ang mga kumakalat na intriga.

Ito kasing si Mark, hindi talaga siya sanay sa sunud-sunod na trabaho. Kaya kailangan niya talagang magbakasyon.

Pero ngayon, maayos ang itsura niya at back to work na nga siya dahil magsisimula na ngayong araw ang bagong afternoon drama niyang Bukod Kang Pinagpala, na mapapanood pagkatapos ng Yesterday’s Bride.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Nakaratay sa sakit na Alzheimer
Bella Flores, dagsa ang natatanggap na tulong

  1. wala na daw maitutulong si ate guy kay ms. bella dahil ubos na ang pera niya sa casino at si ate vi naman ay gagamitin ang pera sa eleksyon hehe

    • TEH, IMBENTO MO NA NAMAN YAN. DI BA SI ATE VI NGA ANG MAY IMAGE NGAYON SA MGA PRESS SA SOBRANG KURIPOT GAYA NI AGA MUHLACH?

  2. SANA TUMULONG SINA ATE GUY AT ATE VI KAY BELLA FLORES DAHIL LAGING SIYA ANG KONTRABIDA NOON SA MGA LUMANG MOVIES NILA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.