Nakapanganak na nga ba?
Mommy ni Sarah Lahbati, may kasamang baby nang dumating sa bansa

UMALIS NA pala pa-Amerika si Sarah Lahbati nu’ng nakaraang Martes ng gabi.

Kasama niya siyempre si Richard Gutierrez at sina Annabelle at Eddie Gutierrez. Alam ko, kasama rin ‘yung dalawang apo nilang sina Lorin at Venice.

Wala na kayang ibang apo silang kasama?! Kasi naman hindi talaga matapus-tapos ang isyung buntis na ‘yan. Nang nakitang maliit naman ang tiyan ni Sarah at ang sexy nito nang dumating ng bansa, ang kasunod na tsismis, nakapanganak na raw.

Heto ang mga naririnig kong tsismis, ha? Ang pinag-uusapan, bago bumalik dito si Sarah, dumating na ang Mommy niya na si Estrella Lahbati kasama ang cute na cute na baby boy. Sakay raw ito ng Etihad Airways, at business class nga raw ito kasi may kasamang baby.

Naiwan daw ang baby rito sa Mommy ni Sarah kaya inaalam tuloy ng mga bakla kung saan ang bahay ng Mommy ni Sarah para matingnan nila kung may umuuhang baby du’n.

Ito naman kasing si Sarah, ang dali lang sagutin kung totoo o hinding buntis siya. ‘Yang pagbubuntis na isyu ang hindi talaga maitatago kaya para hindi na mapahiya bandang huli, aminin na kung totoo. Kung hindi naman, eh ‘di sabihing hindi talaga totoo.

Ang sabi lang ng young actress, inililihis daw ang totoong isyu, itong kaso nga niya kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Ayan naman ang kasong ‘yan at haharapin naman daw niya. Pero sinampahan din niya ng tatlong kaso si Annette.

Medyo magulo nga lang. Nai-file na ba o sinumpaan lang ni Sarah, at saka na lang ipa-file.

Abangan n’yo na lang nga sa Startalk ang paliwanag diyan ng abogado ni Sarah na si Atty. Maggie Abraham.

Ang alam ko Grave Coercion, Perjury at Libel ang isasampang kaso ni Sarah laban kay Atty. Annette.

Hay, naku! Tuluy-tuloy na siguro ‘tong demandahang ito. Si Annette naman ay ayaw na makipag-areglo pa kay Sarah.

Kung noon daw baka puwede pa, pero ngayon malabo na raw. Tingin naman daw niya, kaya nang harapin ito ni Sarah dahil napakatapang nitong magsampa ng kung anu-anong demanda sa GMA Films producer kaya tuloy na raw. Wala na raw settlement, sabi ni Annette.

Tinang na lang natin ‘tong gulong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Nakapanganak na nga ba?
Mommy ni Sarah Lahbati, may kasamang baby nang dumating sa bansa

  1. Baka naman dito sa Pinas pabibinyagan para makatipid sa bayarin sa Simbahan,, Bukod pa duon para rin makakuha ng laksa-laksang ninong at ninang na nagmamay ari ng Network.

  2. Obvious na nanganak! Hitsura pa lang ng mukha eh parang namanas. Baby girl ang anak kasi di nagbago mukha ni girl.

  3. Pasasaan ba at lalabas rin ang totoo. Intayin na lang ng media kung kailan ang Christening ng baby…lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.