Nakapag-taping na good for 3 weeks: Kontrobersiyal young actress, pinagpapahinga na muna!

NAKAKAAWA PALA ang isang kontrobersiyal at magandang young actress.

Nakapag-taping na siya good for three weeks para sa isang teleseryeng gagawin niya na hindi pa nailalabas, pero mukhang mapupurnada pa ito.

Alam n’yo kumbakit?

Pa’no kasi, masyadong naalarma ang TV station sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng naturang young actress. Baka ‘pag itinuluy-tuloy nila ito ay wala namang magpasukang mga advertisement, dahil nga sa isyung kinasasangkutan nito na hanggang ngayon, kahit nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon ay hindi pa rin limot ng tao.

Naaawa nga sa young actress ang mga kaibigan nito, dahil sa pamilya pala’y ito lang ang inaasahan, pero naudlot pa. Susuwelduhin daw ng young actress ang lahat ng araw na nai-taping niya, pero hanggang du’n na lang daw ‘yon.

Gusto ng istasyon na siya’y manahimik muna hanggang sa tuluyang makalimutan ng mga tao ang isyu. Pero ang tanong nga ay paano naman ang kabuhayan ng babae? Paano ang pamilyang umaasa lamang sa mga kinikita nito kung patuloy na mananahimik?

At siyempre, sa pananahimik ay baka kung ano na lang ang magawa nito sa sarili sa sobrang depresyon at awa sa sarili.

Kaya nga in-announce na ‘yun mismong kasintahan ng leading man sana ng young actress ang papalit sa kanyang character sa teleserye.

Sa ngayon, ang gusto lamang mangyari ng istasyon ay “magpahinga” muna ang girl.

Pero kilala naman natin ang ex-boyfriend nitong mapanira, ‘di ba? Pa’no kung hindi pa ito nakaka-move on at maligaya pa ring “tinitira” si young actress nang pailalim?

(By Ogie Diaz)

 

loading...

11 thoughts on “Nakapag-taping na good for 3 weeks: Kontrobersiyal young actress, pinagpapahinga na muna!

  1. aehaha bakit blind item ang my mali? if tingin nyo hindi breadwinner si rhian edi hindi si rhian ang blind item. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.