Nakalabas na raw sa ospital Eric Quizon, inaming sumailalim sa operasyon ang amang si Dolphy

SA PRESSCON NG Glamorosa, agad naming hiningan ng reaksyon si Jenny Miller sa isyung kinasasangkutan ng bestfriend na si Claudine Barretto at ng asawa nitong si Raymart Santiago. Pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon ang nakunang video ng aktres kasama ang abugado nitong si Atty. Agnes Maranan dahil na-withdraw ang joint account nila ni Raymart through inter-branch transaction at pumutok ang balita na hiwalay na ang dalawa. Sa kabila rin ng pagbibigay ng joint statement ng mag-asawa na maayos ang pagsasama nila ay ‘di pa rin mamatay-matay ang issue na nauwi na sa hiwalayan ang lahat .

Ayon kay Jenny, isang buwan na silang walang komunikasyon ng kaibigan, aminado ang aktres na malungkot at nag-aalala siya sa mga isyung naglalabasan sa kaibigan dahil mahal niya si Claudine, mahal niya ang mag-asawa at ang pamilya nito. Para kay Jen ay dasal ang maibibigay niya para sa aktres na kung anuman ang problema ay masolusyunan at maayos. Nakiusap din si Jenny na sana naman ay dahan-dahan din ang mga tao sa panghuhusga kina Raymart at Claudine dahil wala naman talagang may alam sa totoong mga nangyayari kundi ang mag-asawa lang.

Sa tanong namin kung hindi ba sila nagkatampuhan ni Claudine kung kaya’t isang buwan silang ‘di nag-uusap, ipinaliwanag sa amin ni Jenny na bukod sa abala rin siya sa taping ng serye, ayaw niya ring manghimasok at kung may problema man ang mag-asawa ay nararapat lang na sila din ang umayos. Ang importante ay alam ni Claudine na ‘pag kailangan nito ng kaibigan at makakausap ay nandu’n lang siya para rito.

BILANG DIREKTOR DIN ng Glamorosa, kinumusta naman namin kay Direk Eric Quizon ang Comedy King na si Dolphy sa kumalat na bali-balita na nasa ICU ito at ‘di maganda ang kalagayan ng ama. Sini-guro naman sa amin ni Direk Eric na okay na ang Comedy King. Natakot lang sila dahil sumailalim ito ng andiogram, pero ngayon ay nakalabas na ito ng ICU.

Tulad ng mga Revilla ang mga Quizon, isa sa pinakamalaking clan sa showbizness. Hiningan namin ng komento si Direk Eric sa kontrobersiya at dagok na kinasasangkutan sa ngayon ng mga Revilla, ang pagpatay kay Ram Revilla kung saan naituturong salarin ang dalawa sa tunay nitong mga kapatid na sina Joseph at Ramona, kung saan sinasabing pera ang pinag-ugatan ng lahat dahil si Ram ang may hawak ng budget ng kanilang pamilya. Nagulat at nalungkot ang actor cum director sa nangyari. Para kay Direk Eric, sana ay ‘di nangyayari sa isang pamilya ang ganu’n at ang hiling niya sana ay ‘di mangyari ang ganitong trahedya sa pamilya nila.

Excited sa pagsisimula ng teleserye, siniguro sa amin ni Direk Eric na ito ang ginawa niya na sobra niyang binusisi pagdating sa mga detalye. Nandun ang pagmamalaki sa powerhouse casts na pina-ngungunahan nina Ms. Lorna Tolentino, Alice Dixson, Lotlot de Leon at marami pang mahuhusay na mga artista.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.