NAKAKALOKA pala ang dating wife ng isang TV personality. Matabil kasi ang dila nito at walang pakundangan kung magsalita.

NAKAKALOKA pala ang dating wife ng isang TV personality. Matabil kasi ang dila nito at walang pakundangan kung magsalita.

Minsan, nakita nito ang anak ng isang female singer. Nang makatalikod ang singer, nagbitaw raw ang hitad na hindi raw maganda ang anak ng mang-aawit.

Siyempre, nagulat ang mga kaharap ng ex-wife ng TV personality. Namangha sila dahil hindi nila akalain na ganoon kaprangka ang hitad.

Okay na sana kaya lang may nagparating sa singer nang tinuran ng dating dyowa ng TV personality. Siyempre, na-shock siya nang malaman na nilalait ang kanyang anak. Hindi na lang kumibo ang singer dahil super close siya sa TV personality. Nahihiya siyang ikuwento ang sinabi ng ex-wife nito tungkol sa kanyang anak.

Sino ang mahaderang ex-wife? Well, matagal na siyang wala sa bansa pero this month ay may aasikasuhin siyang importanteng okasyon na may kinalaman sa TV personality.

(Alex Brosas)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.