Nakakaloka ang pagtatago nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz!

OLA CHIKA! NAKAKALOKA talaga! Marami ang nagulantang sa inilabas dito sa Pinoy Parazzi na larawang nakuhang nagkita at magkasamang pumasok sa isang hotel sa Amerika sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. Marami nga ang natatanong at nag-e-mail sa akin kung ano ba talaga ang real score sa dalawa? Hahaha!

Marami na ang mga ispekulasyong naglabasan tungkol sa dalawa. Nag-ugat ito noong ma-interview ang ama ni Ruffa sa isang talk show, kung saan sinabi nito na may malalim na pagkakaibigan ang dalawa.

Mula noon, hindi na tinantanan ng intriga sina John Lloyd at Ruffa. Hanggang sa nagkadugtong-dugtong na ang mga intriga sa dalawa.

Ang nakakalungkot lang, hindi nila masabi sa lahat kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon. Masyado nilang sino-showbiz ang publiko. Ang nakakaloka, makuhanan pa ng larawan na lumabs dito sa Pinoy Parazzi na nag-check-in ang dalawa sa isang hotel du’n sa Amerika! Nagpapatunay lang na more than friends ang estado ng kanilang relasyon. Hmmm… kalerke naman!

Bakit hindi nila masabi-sabi? Eh, si Ruffa, hiwalay na sa asawa nitong Turko na si Yilmaz Bektas, at si John Lloyd, single naman. Wala namang masama roon. Ang nakakalungkot, bakit kailangang itago?

May kasabihan nga naman na walang lihin na hindi mabubunyag. Naku, ha?! Mukhang okey na kay Annabelle Rama, at mukhang pasado na si John Lloyd sa panlasa ng pamilya, lalo na sa ina ni Ruffa. Kaloka!

HABANG NAGLILIWALIW AKO sa buong Quezon City, napadaan ako sa Galas, sa #60 N. Ramirez Street. Bigla kong naisip ang aking friend, kung saan may negosyo ito roon na home furniture. Namangha ako dahil bonggacious ang kanilang mga kagamitan ngayon na halos umabot na sa kalsada, dahil sa mura na, marami pa. Super bagsak-presyo ang kanilang furnitures, bagsak-presyo na, mas pinamura pa.

Kaya naisip kong dumaan doon dahil halos sa kanya lahat kumukuha ng mga bonggacious na kagamitan ang ilang mga bigating celebrity at direktor.

Minsan nga, ilan pa sa mga kagamitan niya, ginamit pa sa set ng mga taping at kung anu-anong kaek-ekan. Lalo na ‘yung table and chairs na pang-restaurant, meron din siya. Minsan nga, ‘pag may okasyon ako sa bahay, tinatawagan ko lang siya sa 742-2150/ 741-4778. Minsan sa cellphone number ng may-ari na si Ed Obira pa ako tumatawag sa 09192064831.

Ang nakakaloka, hindi lang ‘yan pang Metro Manila, puwede rin nilang ipadala saan mang sulok ng bansa! Bongga, ‘di ba? I’m sure nawindang si Direk Buboy Tan na may ginagawang movie kasama ako. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Nakakaloka ang pagtatago nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz!

  1. nku dpat d xa mapunta ky sarah
    hindi xa deserving dapat kay sarah c mark b.
    at dapat c sam nmn maging ka partner nya sa movie or c echo kc mukang my magandang chemistry sa 2 . lalo na kay SAM . john llyod and ruffa nmn sa movie WTF :)

  2. jlc bat ka ng tatago ! bk8 c mr.m lgi sumasagot sa issue kc nmn pumapatol kpa sa my 2 anak pa ! tska kung cnasabi mo na importante sau c liz eh bk8 ayaw mo nlng ausin un pra mgkabalikan kau ulit at ang bilis mo nmn mg palit ng gf at npunta kapa sa my anak so nsan na ung values na meron ka ! bka ipapatay kapa ni ylmaz hahahahaha nagkamali ka ….

  3. Walang gusto si John Lloyd kay Sarah. Kailangan lang na magpakita nang konting “pagmamahal” dahil sa mga movies nila. Kung susuriin mo ang mga naging girlfriend ni John Lloyd, mga social. Si Liz Uy, mahilig mag-Europa o mamasyal abroad kasama nang mga social na kaibigan. Si Ruffa, talagang pa sosyal, kasama ni Gretchen at iba pang social at mahilig mag ewwwww. . .

  4. JLC ke SG ka na lang aayos pa buhay mo…

    Malinis, maayos, magaan, disente, kakilig
    kilig….Maganda….

    You just need to wait, papayag din yan si Mommy Divine…

    :p

  5. bakit pa kasi ayaw umamin nila john lloyd at ruffa….obvious naman sila…ano pa kaya itatago…..pansin ko lang ke john lloyd laging nangiiwan ng gf yan…..c ruffa naman d mamili ng boboyfrenin….dami naman jan…iiskoran lang ni john lloyd yang c ruffa pusatahan.

  6. naku kawawa lang si john lloyd pag nagkataon!its not worth it lalo na sa nanay ni ruffa na si annabel na mukhang pera.pero sabi nga kung mahal nila ang isat isa at sobrang L na sila walang makakahadlang kahit pa si anabil bisaya!

  7. JLC, baka hindi mo kaya ang luho ni Rufing ha? isama mo pa ang luho ng 2 anakis at mga bongacious na gifts para sa mader na annabel, kaya mo yun?

  8. Kalerke huh! Nag advertise pa ng furniture shop. Ilang tabla kaya naiuwi ni swardz? Ihampas mu sa mukha m0.

Leave a Reply

Your email address will not be published.