NAKAKAAWA NAMAN ANG isang sikat na child star.

NAKAKAAWA NAMAN ANG isang sikat na child star. Kahit dumating na siya sa point na sobrang dami ng trabaho, mukhang wala siyang naipon. Kaya nang sumapit ang puntong dumalang ang dating ng show, wala siya ngayong mahugot na salapi. Ang ending, nangungutang ang kanyang mga magulang gamit ang pangalan ng child star sa mga kilalang artista para sa kanilang gastusin sa araw-araw.

Mabuti raw sana kung isang artista lang ang inuutangan nila, marami raw at lahat ay nagugulat dahil nga naman sobrang sikat ng child star at sunud-sunod ang project nito noon sa telebisyon, pelikula at TV commercial.

Tsika nga ng isang sikat na TV personality na inuutangan din ng magulang ni child star na, “Kawawang bata, sa dami ng projects, e wala man lamang naipon! Saan kaya napunta ang perang pinaghirapan niya at gano’n na lang na nawala?”

Saan nga kaya napunta ang sikat na child star? Bakit umabot sa puntong walang-wala na sila ngayon?

Mabuti na lang daw at may show pa ito sa isang sikat na TV network at may kinikita ulit kaya kahit papaano. Kung hindi, e baka nabaon na sila sa dami ng kanilang utang!

(John Fontanilla)

loading...

5 thoughts on “NAKAKAAWA NAMAN ANG isang sikat na child star.

  1. kawawa naman siya! pati mukha niya kawawa! naku kelangan niyang mag aral kung ayaw niyang lumaking tambay. pwede naman siya maging next BENTONG.

  2. kawawa talaga ang bata na ito, ngayon medyo may project pa sya dahil kay marian pero kapag tumanda na sya at hindi na sya mukhang bata siguradong kangkungan sya pupulutin hindi naman sya magaling umarte at hindi naman pang artistahin ang face niya.

  3. Robert "Buboy" Villar…Kawawa naman cla…Don't worry Buboy…Anjan c Ate YanYan para tulungan ka:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.