NAKAKA-LOKA, AS IN nakaka-baliw naman itong isang bansotelyong aktor na pinuntahan namin kamakailan sa isang malayong lalawigan para bigyan ng konting donasyon dahil sa natamo niyang pinsala sa katawan.

NAKAKA-LOKA, AS IN nakaka-baliw naman itong isang bansotelyong aktor na pinuntahan namin kamakailan sa isang malayong lalawigan para bigyan ng konting donasyon dahil sa natamo niyang pinsala sa katawan.

Ang sabi niya sa interbyu, naubos nang lahat ang mga naipon niyang pera dahil sa kanyang sakit. At ‘yon din ang dahilan kung bakit pinuntahan namin siya kasama ang ilan pang kaibigan.

Matapos na bigyan namin ng ilang kagamitan at konting pera na pambili ng gamot ay nagpaalam na kami sa bansotelyong actor. Pero habang bumabagtas kami pabalik ng Manila ay tinawagan kami ng isang boss at sinabi nitong balikan namin ang aktor.

Bumalik naman kami, pero naloka kami sa aming nadatnan. Dahil si Aktor na iyak nang iyak kanina ay nakikipaglaklakan na ng alak sa kanyang mga kaibigan with matching chicken adobo pa ang kanilang pulutan.

‘Kaloka! Sa alak at pulutan lang pala ang donasyong pambili ng gamot! Hahaha!

(Morly Alinio)

loading...

3 thoughts on “NAKAKA-LOKA, AS IN nakaka-baliw naman itong isang bansotelyong aktor na pinuntahan namin kamakailan sa isang malayong lalawigan para bigyan ng konting donasyon dahil sa natamo niyang pinsala sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.