Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs
Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotse

ABANGAN N’YO sa Startalk ang exclusive interview ko kay Joseph Bitangcol na napabalita nu’ng nakaraang linggo na nakita raw sa kotse niya na tulog na tulog at hindi raw ito magising.

Dapat nu’ng nakaraang Sabado pa namin nailabas nag kuwentong ‘yun, pero hindi pa namin na-interview nu’n si Joseph dahil may raket daw out of town.

Kaya in-interview ko siya para sa Startalk na mapapanood n’yo na bukas.

Nakuha kasi ng Startalk ang litrato ni Joseph na tulog na tulog sa kotse niya at halos nahubaran na ito. Sa totoo lang matataypan ng mga vaklush ang kuhang ‘yun, ha! Pero sa Startalk n’yo lang mapapanood ‘yan.

In fairness naman kay Joseph, maayos naman siya nu’ng nakausap ko at ipinaliwanag niya kung bakit siya nakita sa ganu’ng sitwasyon, at naintriga na agad.

Ayon sa aktor, sobrang napagod daw siya sa mahabang biyahe dahil galing daw siya ng Isabela nu’n.

Kaya sa halip na ipagpatuloy ang pagda-drive, natulog na lang muna siya sa kotse. Bumili lang daw siya nu’n ng tubig, tapos hindi na raw niya nakayanan ang sobrang pagod, nakatulog na ito. Mahimbing na mahimbing siyang nakatulog dahil nakainom pa raw ito nang konti galing sa isang kaibigan.

Nag-iingat naman daw siya sa pagda-drive magmula nu’ng maaksidente siya kaya itinulog na lang niya muna kesa nga naman daw maaksidente siya.

Itinatanggi ni Joseph na naka-drugs siya nu’n. Medyo nakainom lang daw siya, pero hindi raw siya nagda-drugs talaga.

Inamin lang niyang nasubukan daw niya noong mag-drugs pero sobrang tagal na raw ‘yun.

Pero ang isa sa inamin sa amin ni Joseph ay sobrang na-depress daw talaga siya nu’ng naghiwalay sila ni Sandara Park. Lalo pa raw siyang nalungkot nang hindi na umarya ang career niya at lalong gumanda pa ang career ni Sandara sa Korea.

Pero nu’ng nagbakasyon daw si Sandara dito, nagkausap daw sila at nagkaroon daw sila nang maayos na closure.

 

UMIYAK PA si BB Gandanghari sa interview ng Startalk sa kanya sa presscon ng show nila ni John Lapus na Beauty and the Sweet.

Napag-usapan pa kasi roon ang hindi pagkakasundo nila ni Robin Padilla at hindi na nga raw siya napapasama sa mga family reunion nila.

Pero ang magandang balita, nagkaayos na pala sila at dumalaw pa pala sila kay BB nu’ng na-hospitalize ito.

Ipinost nga ni Robin sa kanyang Instagram account na dumalaw sila kay BB at tinawag pa niya itong “sister”. Kaya okay na sila, at siguro suportado na nito ang mga project ni BB.

Manonood kaya si Robin ng show nina BB at Sweet sa Music Museum na gagawin sa August?

Ang dinig ko, malaki raw ang nagawa ni Mommy Eva kaya nagkabati ang magkapatid at natanggap na ni Robin na sister na niya si BB.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs
Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotse

  1. Dinamay pa si sandara! Kapal ng apog ng callboy na to!  Rumaraket yang bilang callboy sa mayayaman na bakla! Wala nang karir yan sino pa kukuha sa kalokalike ni mura! Nakainom nanaman di na nadala sa aksidente nya tapos pag naaksidente hihingi ng tulong sa kung kanikanino nanaman paawa epek uli eh kasalanan naman nya! Hayssss mga starlet talaga….

    • HAHAHAHA. ARAY KOH! KALOKALIKE TLG NI MURA? MAAWA KA NAMAN. DI BA NAAKSIDENTE YAN AT NAWASAK ANG FEZ?

  2. ang labo nman nitong kwentong to…anoba kya itsura nya dunsa picture na halos mahubaran nraw…kung nakatulog lngdaw zasa kalasingan bkit halos hubad za? bka katatapos lng makipgchurbahan kya halos hubad na ng makita.. at sino ung kumuha ng piscture at bkit npunta kina lolit harbatera…

  3. Katatapos lang nyan mag Jakol, nakatulugan nya tuloy at nalimutan ng magbihis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.