Nakahanap na ng katapat Morning show nina Carmina, Janice at Gelli, matsu-tsugi na?! – Mell Navarro

NAKAUSAP NAMIN SI Marian Rivera last Saturday night (December 12) sa Annabel’s Tomas Morato and inamin nitong malungkot siya sa pag-alis ng leading man niyang si Mark Anthony Fernandez sa Darna ng GMA.

“Siyempre, nakalulungkot…. Kung ano man ang personal niyang rason, like gusto niyang mag-rest, eh, nirerespeto namin ‘yun. Hindi lang ako, kundi buong cast ng Darna rin.

“Kasi, may mga dahilan ring siyang pagod na siya. Hindi siya nabigyan ng break mula pa nu’ng Impostora pa, so naiinitindihan ko naman.”

Nu’ng hapon rin nu’ng araw na ‘yun, inamin ni Mark sa interview nito sa Startalk na magpapa-opera ito, may tatanggaling cyst sa dibdib, na hindi naman daw ito nakamamatay.

Sabi ni Mark: “Pangkaraniwang cyst lang ito na kailangan ko lang ipatanggal. Hindi naman siya life-threatening. Dinadala ko ‘to, matagal-tagal na rin. Ang hirap kumilos kapag may dinadala ka.

“So, gusto ko sanang matanggal na ang burden na ito para wala nang depression. Hindi ka na malulungkot ‘pag minsang titingnan mo ang sarili mo.”

Back to Marian, nagulat nga raw siya at sa reporters pa that night sa Annabel’s niya narinig ang operasyong iyon ni Mark.

“Isa nga raw ‘yung pagpapa-opera niya, marami siyang reasons, so respetuhin na lang natin. Mahirap rin kasing mag-apporach sa kanya (Mark) dahil baka mamaya, ma-offend or whatever, so mas mabuting sa kanya na manggaling.”

Hindi sila nakapag-usap tungkol sa pag-alis niya sa kanilang fantaserye?

“Hindi eh, pero nu’ng last taping namin sa set, masaya siya, makulit siya. Pero hindi namin napag-uusapan.”

Hindi personal na nagpaalam si Mark kay Marian so aminado ang huling nagulat siya. Pero hindi ito umano naniniwalang bumalik na sa bisyo si Mark, na itinanggi na rin nga ng aktor sa TV at nagpalabas na ng official statement ang GMA denying the issue.

“Huwag naman sana,” say ni Marian.  “Naranasan na niya kung papaano. Siguro, madadala na siya, ‘di ba? Hindi ako naniniwala. Okey naman siya, eh!

“Siguro, me rason lang siya kaya nangyayari ‘yun. Mahirap na ring magsalita so ‘wag na lang. Kung meron mang makasasagot niyan, eh, hindi ako ‘yun.”

TOTOO KAYA ANG chikang matsu-tsugi na sa ere ang Sis ng GMA?

Ayon sa chismax, until end of December na lang ang morning show na ito nina Janice and Gelli de Belen and Carmina Villarroel, at pagpasok ng January, papalitan ito ng new show.

Ito ay ang Todo-Bigay ng nagbabalik-Kapuso na si Bayani Agbayani, upang itapat sa Showtime ng ABS-CBN hosted by Vhong Navarro and Anne Curtis, na namamayagpag sa ratings game kahit na bago pa lang ito sa ere.

As we go to press, tinext namin ang ilang taga-GMA to confirm na report and ang reply lang sa amin ay:  “Wala pang official info re: the replacement. Will let you know…”

Kung true ang chika, time to fold up na rin for Sis na nasa ika-walong taon na yata sa ere at siyang nagpataob sa di-mabilang na Kapamilya morning shows like Today with Kris Aquino, show nina Kris and Korina Sanchez, Homeboy, Boy and Kris, and recently ang Ruffa and Ai.

Kumbaga, “nakahanap” ng katapat ang Sis para ito matalo sa ratings and kung ratings nga ang labanan to retain the show on air, Showtime lang pala ang magpapakabog sa long-running show nina Carmina and the de Belen sisters.

Kung talent show rin ito like Showtime, magkakaalaman ‘yan kung ano ang mas maganda at klik sa televiewers.

Kaya lang, pare-pareho na lang, at grabe na talaga ang network war. Pero hindi rin siguro sila masisisi dahil kung ano ang patok sa ratings, du’n dumaragsa ang advertisers, huh!

Naka-set na rin ang Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN nina Luis Manzano and Billy Crawford. Naka-tutok ang buong showbiz kung how will it fair sa Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, ang flag-carrier ng TV-5.

Matira ang matibay!

For your feedback, please email us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.