Tago: Nakagapos na Puso, este, Solon

Kung may pelikulang Nakagapos na Puso si Ate Shawie, may Nakagapos na Solon namang bersiyon ang pinagpipitaganang House of Reps of our Philippine Congress.

Sa tsikang nasagap ng mga mahaderang miron, maugong daw ngayon ang tsikang gimik ang kinakarir ng ating bidang Rep sa halip na repasuhin ang mga batas na dapat naman n’ya talagang tutukan.

Sa tsu-tsu ng mga assets, madalas daw ma-sightsung sa iba’t ibang sikat na gimikan si Kong. Talo pa nga raw nito ang isang happy-go-lucky teenager na walang care sa world basta’t ini-enjoy niya ang kanyang mga gabi.

Pero dahil curious at naghahanap ng paliwanag ang mga miron sa ganitong asal ni Rep, nagkaroon ng teoryang baka isa itong porma ng pagrerebelde sa kanyang pamilya. Hirit pa ng isa, baka ito raw ang paraan ng kongresista para pansamantalang kalimutan ang trabahong kinasadlakan niya.

Ayon sa tsismis ng mga makukulit, napilitan lang daw kasi itong maupo sa puwesto dahil na-pressure ng kanyang family na aktibo sa local politics. Kasi daw naman, kesa mapunta sa ibang pamilya ang paghahari sa kanilang lugar, siya ang napiling isalang para walang makaagaw sa kanilang trono.

Pero dahil nga wala sa puso ni Kong ang trabaho at ’tila nakumpromiso lang siya rito, hayun, may i-gimik to the left at gimik to the right na lang siya. Sabi pa nga, mas kilala na siya sa gimikan kesa sa Plenary ng Congress eh. Kasi ba naman, ‘pag nasa Kongreso ito, para lang siyang wallpaper na may sariling mundo. Hindi mo pa raw nga siya mapagkakamalang kongresista maliban na lang kung tsi-tseken mo ang roster ng Kamara with matching pictures nila ha!

Hay Rep from a very far away province of the Philippine Republic… Pakawalan mo na ang Nakagapos mong Karir para gimik galore ka na lang lagi! Hehehe!

loading...

One thought on “Tago: Nakagapos na Puso, este, Solon

Leave a Reply

Your email address will not be published.