Nakaeksena na raw kasi si Ate Vi
Marian Rivera, tunay na raw siyang artista!

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakabuwang sa Earth ang mga chikka ng inyong Tita Swarding, kaya umpisahan na natin.

Ipinarating kasi sa akin ng aking mga girlalu na um-attend ng Golden Screen Awards ng EnPress, ang counterpart ng PMPC, kasi lahat sila magkakasama sa hanap-buhay bilang movie writers na nambastos na naman ang mga Noranians sa pagtanggap ni Marian ng EnPress Outstanding Actress in a Drama Series para sa mahusay niyang pagkakaganap sa Amaya ng GMA-7.

Naloka ang mga nanood kasi nakatanggap ng ‘boooo’ si Marian at nagtayuan daw ang mga Noranians sabay walkout. Nagtataka raw sila kung ano talaga ang dahilan? Dahil natalo si Nora Aunor or dahil si Marian ay guest sa pelikula ni Vilma Santos na isang indie film, ang Ekstra, kung saan sinabi raw ni Marian na ngayon naramdaman na niya na siya ay isang tunay nang artista, dahil kahit ilang eksena lang sa pelikulang Ekstra ay nakaeksena na niya ang Star For All Seasons na si Ate Vi. At matagal na niya itong minimithi.

Sabi nga niya, ‘dream come true’ daw na nakasama niya si Ate Vi, kaya siguro nag-arangulya na naman ang mga Noranians. Kasi halos lahat ng mga sumisikat ngayong artista, si Ate Vi ang gustong makasama, isama na natin si Kim Chiu at marami pang iba na gustong makasama si Ate Vi. Parang sinabi na nila na walang gustong sumama kay Nora.

Pero sabi naman ng ilang malalapit pa ring Noranians sa akin, kaya raw takot silang makasama ng kanilang Superstar, kasi baka lamunin lang sila ni Nora sa mga eksena sa kahusayan nito sa pag-arte. May katuwiran, ‘di ba?

Anyway, kung si Marian daw sabik na sabik na makasama si Ate Vi, pero itong si Piolo Pascual, inindyan daw ang shooting nila ni Ate Vi sa hindi malamang dahilan.

Maraming nagsasabi na sa pelikulang ito ni Ate Vi ay hahakot daw ito ng mara-ming awards dito sa ating bansa sa lahat ng award-giving bodies maging sa international, kasi talagang binusisi ito ng kanilang direktor na si Jeffrey Jeturian. Tumatak daw kay Marian ang eksenang pinagsilbihan siya ng isang basong tubig ni Ate Vi at nang mag-offcam sila ni Ate Vi, hindi niya malilimutan, lalo na nu’ng dumating siya sa set na halos nanliit daw siya. Kasi si Ate Vi ang unang lumapit sa kanya at ang sabi, ‘Hi, Marian! Thank you sa pag-guest mo.’

Thank you raw nang thank you si Ate Vi kay Marian at doon daw niya naramdaman na artista na talaga siya.

BALIKAN NAMAN natin si Nora Aunor. Matutuwa siguro ang mga Noranians kung sabihin kong dumating na si Nora nu’ng isang araw. Mga tatlong linggo siyang namalagi sa America para ayusin ang pagre-renew ng kanyang green card at ang pagpapa-opera ng kanyang lalamunan, pero hindi pa alam kung nakapagpa-opera nga ang Superstar.

Isa pang ikatutuwa ng mga Noranians, kasi magbabalik siya sa Never Say Goodbye, na kahit pinatay na siya sa eksena, magagawan pa rin ‘yan ng paraan ng direktor. Alam mo naman dito sa atin, kapag pasaway ang artista at magkakaroon ng problema sa production, ayon tsugi ka. Pero sa kaso ni Nora dahil siya ay kahit papa’no ‘pag kasama pa rin siya, talagang makatutulong pa rin sa kabuuan ng teleserye. Kaya tuloy ang ligaya ng mga Noranians.

Kaya lang, bigo na naman ang kanyang mga tagahanga kung hindi pa nakapagpa-opera ang kanilang idolo. Kasi sa tatlong linggo, malamang hindi pa siya naoperahan. Kaya hindi pa rin maririnig ang kanyang gintong tinig.

Sabi ng kolumnistang si Pilar Mateo, may pumalit na sa gintong tinig ni Nora sa kanyang pamangkin na anak ng kanyang pinsang si Maribel Aunor. Ito si Marrion Aunor, ang isa sa nanalo nu’ng nakaraang P-Pop Love Songs.

Congratulations, Marrion Aunor! Isa na namang Aunor ang hahangaan ng madlang pipol.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Nakaeksena na raw kasi si Ate Vi
Marian Rivera, tunay na raw siyang artista!

  1. Pingback: All About Ekstra 1/2 (News Links) | Star For All Seasons

  2. Naku Swarding, hindi ka pa ba nadala? Binato ka na nga ng drumstick ni Nora at kung anik-anik pa. Baka sa susunod, babatuhin ka niyan ng kamalasan!!!Sige ka, baka ka madawit!!

  3. Hay sinabi mo pa Nana sa Nunal: Si Nora tingin niya sa sarili, napakagaling, gusto niya nasa kanya ang limelight, sasapawan talaga niya intentionally ang mga kaeksena niya sa pelikula. Eh sino nga ba naman ang makakatalo sa trademark niyang one-dimensional acting na pairi-iri, talim-talim ng mga mata, taas balikat, nginig baba, turo ng daliri sa langit, at mga walang katapusang diinan sa dulo ng mga dialogues!!!! Trademark talaga niya ang pelikula at siya ang litaw na litaw kaya nga flopsina sa takilya. One day-Pulled Out Queen talaga ang flopsinang si Ulikba!!! Buti nga at tinalo na naman siya ni Angel Locsin sa STAR, oh hindi ba tama iyan, hindi niya kaeksena si Angel Locsin ha pero sapaw na sapaw si Nora sa pagka Best Actress sa STAR. Si Angel din ang dapat na nanalo sa MMFF!!!

  4. Hay naku, hindi natatakot ang mga artistang makasama ang one-dimensional acting na si Nora, kahit na si Mercedez Cabral and Lovi Poe lang ang kasama nakukulapulan pa rin sa akting si Nora. Takot makasama ng mga artista si Nora dahil baka mahawa ng kamalasang flopsina sa takilya!!!Si Juday na sikat na sikat noon, biglang lumubog after “Babae”. Kakalorky!!! May kanya-kanyang moment naman sa iba’t ibang eksena ang mga artista. Si Vilma supportive at hindi nananapaw ng eksena. Sabi nga ni Gabby and Boyet “Pag si Vilma ang nakaeksena mo, aalalayan ka niyan, hindi ka niya sasapawan, magaling din ang tingin mo sa sarili mo kapag nakasama mo siya dahil sa pag-alalay niya sa iyo, ang sarap niyang makaeksena dahil nahihila ka niyang pataas!!!”

  5. may award na kaya yan FLOOP QUEEN hahahaha yan ang hinde bayad karapat dapat talaga sa kanya hahahaha

  6. nag mukhang extra si marian rivera. magaling pa nga si lydia cuntapay sa kanya. magkano kaya ang binayad ni yan yan para magka award?

    • HAY TUKYO, MOVE ON NA. IPANAMNAM NA LANG KAY AMAYA ANG AWARD. IN FERNEZ, MAY IBUBUGA NAMAN ANG LOLA MO. IBUBUGANG JOLOGS NA SALITA FROM HER JOLOGS MOUTH. HAHAHAHA. PERO SA TOTOO LANG, JOLOGS, PALENGKERA AT CHEPANGGA LANG SI MARIAN PERO NAKAKA-ACTING NAMAN ANG LOLA. ANONG SAY NYO, MARIANITA FANS?

    • another haters ni Marian, hindi maka move on ang kulangot na ito baliw, pahiya ka na, may acting award na si Marian, yak yak

      • papano mauubos sila, yan ang trabaho nila, mga bayarang blogger yan, trabaho talaga siraan niyan si marian, 

      • marian deserve his first major acting award, wala naman kayong magagawa kung tinalo ni marian si nora aunor, anjan na kay marian ang award, kay ms. nora talagang mahusay na sya sa aktingan, kung ka nominate lang ni marian sina angel locsin at bea alonzo sa awards, e di sana nagiingay ang mga noranians, dapat siguro binigyan nalang ng special award itong si nora aunor, atleast matatanggap pa ng kampo ng noranianas, bakit sa nakaraang mmff 2012 awards, nanalo si nora aunor, e mahigpit ang labanan ng mga young actress doon na sina angel locsin at angelica panganiban ah, kung sususmahin ang labanang marian and nora walang ka thril thrill… 

  7. ABA, SOMEHOW EH POSITIVE ANG WRITE UP NI SWARDING TUNGKOL KAY NORA HA. HAHAHAHA. KITA PA RIN NA NORA ANG NASA PUSO NIYA. HALA, TAPUSIN NA ANG EXTRA NA YAN NI ATE VI NANG MAHUSGAHAN. LAHAT NAMAN NG DIREKTOR LAGING SINASABI, “THIS IS MY BEST WORK, SO FAR, DUGO AT PAWIS ANG PUHUNAN. PINAGBUTIHAN TLG NAMIN” ETC ETC. TAPOS, PAG NAPANOOD MO NA, TANONG MO NA LANG SA SARILI MO, “ANYARE?” GO WATCH AKO NYAN SA CINEMALAYA. NAKOH, HOPE KO NA LANG NA MAGANDA NGA. AT ANG MGA VILMANIAN NA WRITERS HA, PRAISE RELEASE AGAD ANG GAGAWIN PERO IN REALITY, SWANGIT NAMAN ANG MOVIE. ATE VI, DON’T DISAPPOINT US. FEELING KO PARANG AKTING SA ANAK ANG IPAPAKITA NYA DITO. YUNG PARANG DI MAGKAMAYAW AT PUNUNG PUNO NG BODY MOVEMENTS AT SIGAW. HAHAHA. AT IKAW NAMAN, ATE GUY. JUICE MIO. HANOVAH? WLA KA NAMAN TLG YATANG BALAK IPA-FIX ANG BOSES MO KASI ILANG TAON NA YAN TAPOS DI KA NAMAN STOP SA SMOKING. WALANG SYONGANG DOKTOR NA MAG OOPERA NG ISANG CHAIN SMOKER NA KAHIT BINABAWALAN MONG MAG SMOKE EH GORA PA RIN. LALO NA NA MAY HISTORY KA NA NG COMPLICATION SA THROAT. OH WELL, PASAWAY TLG ANG GREATEST ACTRESS. KALOWKAH! HAY NAKOH, ATE GUY AND ATE VI, KABALIWED KAYO. PERO LIKE KO KAYO HA. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.