Nakabuntis sa Anak; Ama, Binoga ng Kaanak

BINARIL NG kanyang sariling kaanak ang isang 47-anyos na ama sa purok 6, Barangay Upper Landing, Dumingag, Zamboanga del Sur matapos madiskubre ang pagbubuntis ng anak nitong 14-anyos na dalagita sa ginagawa nitong panggagahasa.

Lumalabas sa report mula kay SPO2 Alberto Capadngan, imbestigador ng kaso, ng Dumi-ngag Municipal Police Station, nakilala ang binaril na si Hennie Maramara Padigos Sr., isang habal-habal driver at residente ng naturang barangay.

Nabatid na nasa anim na buwan na ang ipinagbubuntis ng dalagita matapos siyang halayin ng ilang beses ng kanyang sariling ama.

Dahil umano sa matinding takot, hindi nakapagsumbong ang biktima sa kanyang sinapit sa kamay ng sari-ling ama at nito lamang nakaraang araw nang madiskubre ang insidente.

Bagama’t hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung sino sa kanilang kaanak ang responsable sa pamamaril, pero lumalabas sa pagsisiyasat na matin-ding galit umano ng mga kaanak ang dahilan ng tangkang pagpaslang sa padre de pamilya.

Samantala, naghain na rin ng affidavit sa Dumingag Police Station ang dalagita para sa pagsampa ng kasong rape laban sa kanyang sariling ama na naka-confine pa rin sa isang pagamutan sa Ozamis City.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.