Nakabisikleta, Patay sa Bus

PATAY ANG isang lala-king nakabisikleta nang mahagip ng pampasaherong bus, kung saan tinakasan ng hindi pa kilalang driver ang una sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Rosano Bas, 29 ng Benita St., Gagalangin, Tondo, Manila .

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng driver ng Roval Bus na hindi na nakuha ang plaka.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, binabagtas ng biktima ang MacArthur Highway sa Karuhatan ng lungsod nang mahagip ng nasabing bus.

Pumailalim pa ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay habang hindi huminto ang driver ng pampasaherong bus.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.