Nakabalot pa sa P100 bill Shabu, Nakita sa Puwerta ng Bebot

KASALUKUYANG NAKA-KULONG sa Tacloban City Police Office (TCPO) lock up cell ang babaeng salarin na si Josephine Toribio, 40, matapos tangkaing ipuslit ang iligal na droga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tacloban City, habang dumadalaw sa kanyang asawang si Bartolome Toribio residente ng Brgy. 65 Paseo de Legaspi sa lungsod.

Base sa ulat ng mga kinauukulan, kasama ng babae ang kanyang dalawang taong gulang na anak nang dumalaw ito sa bilangguan.

Lumalabas sa standard procedure ng BJMP isinailalim ang suspek sa strip search at napansin ng mga jail officers na balisa umano ito habang kinakapkapan.

Dahil dito, ipinahubad ng jail officers ang underwear na suot ni Josephine at pinaharap sa salamin dahilan upang makita ang isang sachet ng Shabu na nakabalot sa P100 bill sa loob sa kanyang puwerta.

Paliwanag naman ng salarin, inutusan lang umano siya ng isang ba-ding na dalhin ang iligal na droga sa isa ring bi-langgo.

Samantala, nakatakda namang kasuhan si Toribio dahil sa paglabag nito sa Sec 11 ng Article II, R.A. 9165. (PARAZZI –

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.