Naka-video kaya? HAYDEN KHO, HUBO’T HUBAD NA IPINAGLUTO SI VICKI BELO!

INAMIN NI DRA. Vicki Belo na mas mataas ang porsiyentong huwag niyang payagang pumalaot sa pag-aartista si Hayden Kho.

Ayon pa sa kanya, ngayon pa nga lang na hindi pa artista si Hayden ay kontrobersiyal na ito, what more pa kung celebrity na ito. “Kung ako ang masusunod, ayoko talaga, basta ayoko. Kasi alam ko naman kung gaano kaintriga sa showbiz. Ngayon pa nga lang, ang daming intrigue na ang dumarating, what more pa kung nandiyan na siya?”

Sa kabilang banda, ang haba ng buhok ni Vicki matapos na ipagluto siya ni Hayden nu’ng nakaraang Valentines Day. “Sayang nga dahil hindi ko siya naabutan habang nagluluto, at imagine, naked siya habang nagluluto! My God wala namang nagsabi sa akin na ganon ang gagawin niya, kaya late tuloy akong dumating, kaya hindi ko na nakita habang niluluto niya ang food namin.”

Sinabi rin ni Vicki na habang tumatagal ay lalong nagiging sweet sa kanya si Hayden. Aniya, “Since nu’ng magkaroon ng problema at hindi ko siya binitiwan, parang bumabawi siya! Napaka-sweet niya sa akin. Hahaha!”

Itinanggi ni Vicki ang balitang balak na nilang magpakasal ni Hayden. “I think matatagalan bago mangyari ‘yan. Basta sa ngayon, I’m really happy and contented sa relationship that we have. Napapasaya niya ako at nararamdaman ko how important I am to him.”

MALUNGKOT PA RIN si Willie Revillame matapos humarap sa hearing kamakailan sa Court Of Appeals para sa kasong copyright infrigement na isinampa ng ABS-CBN. “Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila, at first, kung titingnan n’yo naman, wala naman akong kinokopya sa dating show ko sa ABS, paano ko kokopyahin ang sarili ko, ‘di ba? I mean, idea ko ‘yon, kaya paano ko kokopyahin ang sarili ko?” pahayag niya. Malinis raw ang kanyang kunsensiya sa mga akusasyon sa kanya ng Dos.

“Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang palabasin? Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin? Ayaw ba nilang magkatrabaho ako? Ayaw ba nilang makatulong tayo sa ating mga kababayan? Ayaw ba nilang magpaligaya ng ating mga kababayan? Hindi ko alam sa kanila kung bakit ayaw nila akong tigilan?

“Imagine, gustung-gusto ni-lang mawala ang show ko, pero pinagbabayad naman nila ako ng 41 million? Ibig kong sabihin, sana naman tigilan na natin ang mga away ayaw na ‘yan, magmahalan na lang tayo, magulo na ang mundo at huwag na nating dagdagan pa,” sumamo pa ng TV host.

Sa kabilang banda, dedma na si Willie sa isyu nila ni John Estrada. Ang usap-usapan kasi ay tinanggal na si Willie sa entourage ng kasal ni John. “Ayoko nang pag-usapan ang mga ganyan.

Ayokong i-entertain ang mga ganyang isyu, basta naka-focus ang atensyon ko this time sa kasong isinampa sa akin ng ABS na sa tingin ko ay hindi naman makatarungan dahil mali ang kani-lang basehan,” nakakunot ang noong sabi pa ni Willie.

NAGKAUSAP NA PALA sina Randy Santiago at Willie Revillame. “Ako ang unang tumawag sa kanya the first day nu’ng magsalita siya on air kay John. Sinabi ko kay Willie ang side ko. At hindi mo naman kami masisisi ni John, siyempre, kung sino ang unang may offer na work do’n kami. Kasi may pamilya ka-ming binubuhay. Honestly may mga usapan kami ni Willie, pero hindi gano’n kasigurado, kaya nu’ng bigyan kami ng show ng Dos na sa tingin namin ni John ay okey naman, grab na namin, dahil ‘yon ang sa palagay namin na makakabuti sa amin,” tuluy-tuloy na sabi ni Randy.

Ayon pa sa singer-TV host, totoong hindi na si Willie ang Best Man ni John sa darating na kasal nito with Priscilla Meirelles. “Sa pagkakaalam ko, dalawa sila ni Richard Gomez, hindi pinalitan, at sa tingin mo ba, pagkatapos mangyari ‘yung gano’n darating pa si Willie sa kasal?”

Sinabi rin ni Randy na malaki ang kanyang paniniwala na mata-tapos din ang samaan ng loob nila ni Willie. “Kung galit kami ni John kay Willie, hindi. Tampo, oo, pero hindi kami galit. Kasi paano kang magagalit sa isang tao na itinuturing mong higit pa sa kapatid?” Pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Naka-video kaya? HAYDEN KHO, HUBO’T HUBAD NA IPINAGLUTO SI VICKI BELO!

  1. ngaluluto ng naked– how yucky! sana tinamaan siya ng kukukulong mantika…how gross just thinking about it, she had the nerve to even say it in public? Krystal…Quark kadidri ang nanay niyo!

    • I agree, hahahaha nakakatawa ka cheche, hehe hehe :) Can you imagine kung gaano kahiya itong si Crystal at Quark sa pinagagawa nitong mommy nila? Can you imagine also hayden becoming their stepdad? Nakita kaya nina Crystal yong sayawan nila Katrina at Hayden na nakabandana ng red itong si Hayden doon sa video. Oh my gosh, how tacky!!! ahahahaha. Parang batang immature tingnan si Hayden doon sa video, hindi mo makilala na doktor pala na may Careless Whisper, ahahahaha.

  2. wla ng maniniwla kay wILLIE, PURO PAAWA EFFECT..HNDI N UUBRA YAN DHIL KILALANG KILALA K N NG MGA TAO..HAY…Gingamit mo pa mattnda at taong bayan pra kw ang paniwalaan…kawawa k n willie darating arw kaw n lang mag isa s mundo.mgmahalan eh bakit galit n galit ka nong lumipat sina john sa 2..hmmpp!

  3. Ang basurang Hayden na ito, nakakahiya! Paparazzi hosts? Cristy Fermin, Ruffa G. Dolly Ann C, Twisted Mo at Hayden? Go figure! What a bunch of s**t!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.