Naka-schedule kasi ang date KC Concepcion, NAIIRITA KAY PIOLO PASCUAL?!

TRUE KAYA ANG tsikang nasagap namin na nagrireklamo na raw si KC Concepcion kay Piolo Pascual? Diumano kasi’y naiirita raw si KC dahil kailangan pa niyang humingi ng schedule ni Piolo para malaman kung kailan niya puwedeng makita o makasama ang nobyo? Lalong naiirita si KC dahil parang ang dating ay mas priority nito ang work kesa sa kanya.

Pangit nga naman ‘yung gano’n na parang importante pa ang trabaho mo kesa sa girlfriend mo? Siyempre, naghihintay din ng oras si KC kung kailan siya bibigyan ng time ni Piolo, eh, GF nga naman siya, ‘di ba?

Ano ba naman ‘yung paglaanan naman ni Piolo si KC ng oras niya kahit na abala siya sa trabaho niya? ‘Di ba may kasabihang ‘if there’s a will, there’s a way’. Siguro naman, kahit busy, maisisingit ni Piolo na bigyan ng kahit na konting oras lang si KC araw-araw at hindi ‘yung halos naghihintay na lang ito kung kailan siya magkakaroon ng panahon.

Bakit pa naman naging GF/BF sila, ‘di ba?

Naku, huwag naman sana, pero baka sa hiwalayan din mauwi ang relasyon ng dalawa kapag ganoon. Perfect pair pa naman sila kahit na may mga nambubuwisit, eh mas marami siyempre ang happy sa kanila, ‘di ba? Sayang naman… sayang…

AS OF THIS writing, tapos nang makipag-meeting ang mga production people mula sa Jakarta, Indonesia kay Direk Johnny Manahan (head ng Star Magic) na pinamumunuan ng isang Filipina na nakabase sa naturang bansa na si Ms. Shirley Tayer Calibara of Starlink Asia Pt. Filindo International. Interesado ang grupo ni Ms. Shirley na makuha ang serbisyo nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador, at Sam Milby upang isama sa mga upcoming projects nila.

Plano ng grupo na dalhin ang mga artistang nabanggit sa Indonesia kunsaan doon gagawin ang mga pelikula nila. Kung matutuloy, makakasama ng mga ito ang mga ipinagmamalaking sikat na mga artista ng Indonesia gaya nina Boy Hamzah, Chindy Anggrina, Jehan Sienna, Wagid, Ricky Ertan, at Evaa Amin. Sila ang mga counterpart nina Piolo, Lloydie, Bea, Maja at Sam sa kasikatan doon.

Proud Pinoy si Ms. Shirley, kaya naman pursigido siyang makuha ang serbisyo ng mga sikat nating artista. Kahit siya’y nagsasabing world class ang talent ng mga Pinoy at ipinagmamalaki niya ‘yon. Happy nga siya dahil sikat na sikat daw si Christian Bautista sa Indonesia. Kahit daw mga taxi driver ay kilala ang singer dahil ang mga kanta nito ang naririnig sa lahat ng radio stations doon. Siyempre, isinalin na ‘yon sa dialect nila, ang Bahasa.

BLIND ITEM: NOT so young but not so old ang ating bida na isang magaling na aktor. Kapag dumarating daw ito sa set ng isang pelikula o sa set ng TV program na ginagawa niya, mistulang nanlalambot daw ito, bukod pa sa para raw itong hindi naliligo dahil ‘Smellani Marquez’ siya (may-amoy, gagah!). Super-dirty rin daw ng suot nitong damit na parang wah sa pagka-change ng ilang araw.

Raketero daw kasi itong ating bida. Manggagaling daw ito sa lokasyon ng isang ginagawang indie film at kung saan pang TV raket naman, kaya wah na ‘Jigo Garcia’ (wiz na ligo, ‘noh!). Sleep na lang daw ito para makabawi sa puyat at wisik-wisik na lang ng pabango para mawala ang ‘amoy’ niyang masyuho (mabaho, ‘noh!).

Dahil guwapo, minsan daw ay nilandi ito ng kasamang sexy star sa isang ginagawang indie film, pero dedma raw ang magaling na aktor. Kesa raw patulan nito ang sexy star, itutulog na lang niya at makakabawi pa siya ng lakas sa magdamagang syuting.

Sey tuloy ng sexy star, hindi lang pala ligo ang kailangan nito, dapat din itong uminom ng Nitro, ‘yung energy drink na iniinom ni Manny Pacquiao, para lumakas ito’t mabuhay ang lahat ng dugo sa katawan. Siyempre, kasama na roon ang ‘kargada’ ng magaling na aktor dahil balitang ‘daks’ ito’t mana sa ama.

Clue pa? Magaling siyang aktor at mula sa angkan ng mga artista. Mana siya sa ama niya na mahusay ring aktor. ‘Yun na!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

3 thoughts on “Naka-schedule kasi ang date KC Concepcion, NAIIRITA KAY PIOLO PASCUAL?!

  1. ano ba naman kasi mga vaklush, wag na kasi mag pa ka mhin….na para lang masabi na mhin eh mega girlfriend pa raw kuno kuno, eh wala naman daw time para sa date… meron bang ganun.. kailangan pang humingi ng sked ang gerlalush para mae date ang bf niya kuno… WTF.. eh kasi di naman talaga feel ni papa si gerlash noh… look nyo sa iba may time ang papa nyo bakit sa batang bersyon ni mama Elaine wah.. ano bah? hoy gising mga baklush…yun lang babush

  2. Pingback: Apple TV 2 gains MLB, NBA streaming | Spinner News

Leave a Reply

Your email address will not be published.