Naka-post sa internet na for sale Kinarnap na Motorsiklo, Nabawi

NABAWI ANG isang kinarnap na motorsiklo matapos makita ng biktima na naka-post na for sale sa internet sa Valenzuela City.

Sa pahayag ni Archiebald Devesa, 52, alas-7 ng gabi noong Mayo 31, 2012 nawala ang kanyang Honda CBR (7567-PO) habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Del Pilar St., Mabolo, Valenzuela City na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis subalit hindi na nakita.

Hunyo 19, 2012, nakita ng biktima na naka-post na for sale ang motorsiklo sa internet at agad na humungi ng tulong si Devesa sa mga pulis hanggang sa matunton ang suspek na si Andrew Jonathan Cabling, 27, ng Rodriguez, Rizal.

Kinontak ng mga pulis ang suspek at sinabing bibilhin ang motorsiklo ng P90,000 at napag-usapan na sa SM Marikina magbabayaran.

Naghanda ang mga pulis at alas-12:30 kamakalawa ng tanghali ay nagsagawa ng entrapment operation. Sa 2nd level ng motorcycle parking lot ng mall ay dinamba ang suspek nang tanggapin ang bayad mula sa pulis na nagkunwaring bibili ng motorsiklo.

Sinabi ng suspek na ibinenta lang sa kanya ng P65,000 ang motorsiklo ni Mark Castro ng Alabang, Muntinlupa na pinagha-hanap na.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.