Naka-confine sa parehong ospital: Beteranong aktor, nasa ora de peligro; aktres, na-overdose sa ecstacy

BLIND ITEM 1: Bukod sa ipinagdarasal naming isang tinitingalang artista na sana ay humaba pa ang buhay, nakarating sa aming kaalaman na ang isang beteranong artista rin ay nasa “ora de peligro” na rin.

Juice ko, nu’ng kami’y isa pa lamang field reporter, ‘pag naiinterbyu namin ito, ang lagi naming tanong: “Ano po ang sikreto n’yo at wala po sa hitsura n’yo ang edad n’yo?”

Nalaman namin na ang dami-dami niyang supplements na iniinom para maging alerto at healthy ang kanyang katawan at isip.

Pero kung totoo mang ito ay naka-confine ngayon at nakikipaglaban pa rin sa buhay, sana nga ay madugtungan pa ang kanyang buhay dahil napakahusay nitong aktor at ni hindi naintriga, dahil maayos ang palakad sa sariling buhay.

Samahan n’yo kaming ipagdasal ang dalawang beteranong aktor na in fairness, napakalaki ng nai-contribute sa movie industry.

BLIND ITEM 2: Nalaman naming naka-confine ngayon sa isang exclusive hospital sa Pasig ang beteranong aktor. At sa naturang ospital din pala naka-confine ang isang aktres.

Ayon sa isang nurse na nakausap namin, nagkagulo pa raw nu’ng una sa floor na naroroon ang aktres, dahil ayaw pa nitong pa-confine. Nagtatakbo pa raw ito sa may hallway sa floor na iyon.

Pero ang balita, ipare-rehab na rin ito dahil nag-overdose ng Ecstacy (at ng iba pang pills), kaya napukaw tuloy ang atensiyon ng ibang taong naroroon sa floor.

“Nagtatakbo pa nga po, eh. In denial pa rin siya na nagda-drugs siya. Kaso, ‘yung kapatid na rin niya ang nag-suggest na i-confine na lang doon ang aktres para sa withdrawal na gagawin at detoxification.”

Nagbilin pa raw ang kaanak na kasama that time ng aktres sa mga nurses na ‘wag nang itsismis at manatiling confidential ang pagpasok ng aktres doon.

Hindi muna kami magbibigay ng clue hangga’t wala kaming nakakausap mula sa kampo ng aktres. Umaasa rin kaming sana nga ay maagapan ang pagkalulong ng aktres sa droga.

Sayang ang aktres kung mapupunta lang sa wala ang kanyang mga pinagpagurang pangalan. Mahusay pa namang artista at hindi tumatanda ang mukha.

Saka kailangan din siya ng kanyang mag-aama, kaya sana nga, maka-recover siya.

KAUSAP NAMIN SI Vhong Navarro sa telepono. Kinakabahan daw siya. Hindi niya alam kung papatok sa takilya ang Bulong nila ni Angelica Panganiban na showing na ngayon.

Ganyan lagi si Vhong. Kahit ang saya-saya ng mukha sa Showtime, ang iniisip pa rin ay ang acceptance ng tao sa pelikula niya. Itinuturing ni Vhong na experimental ang Bulong.

Pero sabi nga namin sa kanya, “Si Direk Chito Roño naman ang gumawa, kaya bongga ‘yang Bulong, ‘no! Nakakatawa-nakakatakot, pinaghalo mo. Kahit experimental ‘yan, kung maganda ang hagod, patok pa rin ‘yan!”

Kaya naman personal na nag-imbita ng mga kaibigan si Vhong para sama-han siya sa red carpet premiere kahapon ng Bulong.

Juice ko, pareho sila ni Vice Ganda ng ugali. Punumpuno ng tensiyon. Mas natetensiyon tuloy kami, hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Naka-confine sa parehong ospital: Beteranong aktor, nasa ora de peligro; aktres, na-overdose sa ecstacy

  1. tingin ko si eddie garcia. Napanood ko kasi siya sa isang show na isa siya sa umiinom ng herbal juice/pills. Sensya na po mang eddie kung mali ako.

  2. may clue na ko kung sino ang aktres na na overdose sa ecstacy…kkahinayang magaling ang acting nya…ang tanong, anu ang dahilan bakit nya pa naggawa ang mag droga samantalang nasa kanya ng lahat…kawawa naman ang husband at anak nya…wake up, d pa huli ang lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published.