Nairita sa sintunado, nanampal ng menor

NAMUMROBLEMA NGAYON ang isang tambay sa posibilidad na makulong bunsod lamang ng pagkairita sa boses ng isang menor na kumakanta na kanyang pinagsasampal sa bayan ng Candelaria, Quezon

Nakademanda ngayon sa Barangay Pahinga Norte si Arnel Marasigan Macaraig, 32 anyos ng Maligaya Site at may reklamo rin sa Candelaria PNP.

Ito ay nang kanyang bantaan at sampalin ang 16-anyos na binatilyo dahil lamang sa pag-awit nito.

Sa reklamo ng mga magulang ng biktima, nasa pagbirit ng awiting “Faithfully Yours” na pinasikat ng bandang Journey ang binatilyo kasama ang pinsan nito nang lapitan ni Macaraig at walang sabi-sabing pinagsasampal at sinuntok sa dibdib ang biktima.

Makaraan ang pananakit ay pinagbantaan pa ng suspek ang biktima na ayaw na niyang marinig ang pag-awit nito dahil masakit sa tenga ang boses ng binatilyo.

Kasong illegal firearms ang posibleng kaharapin ni Macaraig sa oras na mapatunayang may katotohanan ang reklamo sa kanya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.