Naipit ng Payloader; 2 Patay, 3 Sugatan

PINAGLALAMAYAN NA ang dalawa sa limang naipit ng payloader sa Macalelon, Quezon.

Ito ang kinumpirma ni S/Insp Rheden Mabu-nga Manalo matapos na mawalan ng preno ang payloader na minamaneho ni Roger Pastrana.

Abala umano kahapon ang mga biktima na kinilalang sina Cesar Tolentino at Arnold Tayag sa pagkabit ng mga tarpaulin at pagsasaayos ng tent sa Barangay Pinagbayanan para sa isasagawa sa-nang political rally ng Li-beral Party.

Katulong nito ang tatlong iba pang nasugatan sa insidente na kinilala naman na sina Malou Disenbrana, Aries Dean at Minda Heres.

Napag-alaman na sa halip na gumamit ng hagdan sa pagkabit ng mga tarpaulin ay minabuti u-mano ng mga ito na gamitin ang payloader upang mapadali ang trabaho.

Subalit habang nasa may mataas na bahagi ng lupa ang payloader, bigla umano itong nawalan ng preno.

Agad itong dumiretso pababa kung saan abala ang mga biktima hanggang sa maipit ang mga ito.

Samantala, naitakbo agad ang mga ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang dalawa, habang stable na rin ang kalagayan ng tatlong biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.