Naipit ang ulo sa ino-operate na makina Ginang, durog ang bungo, patay

PATAY ANG ISANG ginang na machine operator sa isang pagawaan ng plastic matapos aksidenteng maipit ang ulo nito sa inooperate na moulding machine kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi ay nakilalang si Marilou Pingol, 36, machine operator, ng # 720 Gen. San Luis, Brgy. Kaybiga, Caloocan City, sanhi ng pagkadurog ng ulo sa moulding machine.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng United Plastic Container Corporation, na pinagtatrabahuhan ng biktima na matatagpuan sa Gen. San Luis, Brgy. Kaybiga ng nasabing lungsod.

Ayon pa sa ulat, nasa finishing product na si Pingol at ino-operate nito ang moulding machine at habang nakayuko ay aksidenteng nahagip ng makina ang ulo nito.

Sa bilis ng pangyayari, huli na ng makita ng kanyang mga kasamahan ang biktima na nakasalang na ang ulo nito sa makina at naliligo na ito sa sariling dugo.

Dahil dito, agad na pinahinto ang makina at ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente subalit hindi na rin nailigtas ang buhay ni Pingol.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang alamin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.