NAIPASA NA ANG BATO! Jane de Leon, bagong Darna ng Pilipinas!

Jane de Leon

MAY NANALO NA! Napili na kung sino ang susunod na Darna na magbibigay sa Pinoy iconic movie na nillikha ni Mars Ravelo na gagawin ng Star Cinema.

Siya ay walang iba kundi ang Star Magic artist na si Jane de Leon, 20 years old.

Ito ang ini-announce ng ABS-CBN Films managing director na si Olivia Lamasan sa interview ng ABS-CBN News. 

Ayon kay Direk Olive, ang pagpili kay Jane bilang Darna ay “unanimous decision” ng  management. 

Aniya, “Natuwa nga ako na isa siya sa mga nag-audition. Sabi ko ay there’s something about her. Pati si Direk Lauren (Dyogi) said there’s something about her. Bilang filmmakers, may nakikita kami. Malakas ang instinct ng bata.”

Matagal nang nakaplano ang paggawa ng bagong version ng Darna pero hindi ito natutuloy. Unang kinonsider sa role si Angel Locsin na sinundan naman ni Liza Soberano kaya lang parehong nag-backout ang dalawa sa project dahil sa health issue.

Samantala, si Jane ay dating member ng GirlTrends na napapanood sa It’s Showtime. Lumabas din siya bilang kapatid ni Jericho Rosales sa teleseryeng Halik at naging part ng pelikulang The Debutantes ng Regal Entertainment.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.